Ipinagtanggol ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang kasamahan at kaibigang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis kaugnay ng naging pahayag nito na nabalitaan umano nito na nagpa-power tripping si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa noontime show na 'It's Showtime' at madalas daw ay ito na ang nasusunod doon.

Bagay na itinuwid naman ng co-host ni Vice na si Itchyworms vocalist Jugs Jugueta kung saan sinabihan niya si Lolit na maghanap na ng ibang source na Marites dahil masayang-masaya umano sila sa Showtime.

BASAHIN; https://balita.net.ph/2022/01/22/lolit-pinalagan-ni-jugs-hanap-po-kayo-ng-bago-ninyong-source-na-maritess-tita-masaya-po-kami-sa-showtime-ngayon/">https://balita.net.ph/2022/01/22/lolit-pinalagan-ni-jugs-hanap-po-kayo-ng-bago-ninyong-source-na-maritess-tita-masaya-po-kami-sa-showtime-ngayon/

Na-appreciate naman ni Manay Lolit ang diretsahan at magalang umanong pagtutuwid sa kaniya ni Jugs. Inamin niya na minsan ay may mga misinformation talagang nakakarating sa kanila bilang mga showbiz columnist.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/23/lolit-natuwa-sa-pagtutuwid-ni-jugs-puwede-naman-kasi-na-mali-ang-information-na-nakuha-namin/

Agad din namang dumipensa si Cristy at ipinaliwanag rin ang panig ng kaibigang kolumnista, lalo na nang magparinig umano si Vice sa kaniyang noontime show. Sey niya sa co-host na si Romel Chika, marami umanong mga bulung-bulungan na nakakarating kay Manay Lolit tungkol sa komedyante.

“Maraming nakakarating na kuwento kay Manay Lolit na gusto nga niyang isipin na hindi totoo pero ang daming nagpaparating sa kaniya na marami na rin daw po ang masama ang loob kay Vice Ganda sa Showtime at hindi lamang po makapagsalita dahil alam n’yo na this."

"Wala raw kahit na sino ang maglalakas-loob na magsalita laban kay Vice lalo na sa panahon ngayon kung saan nahaharap ang buong mundo sa isang pandemya. Sino naman ang nasa tamang pag-iisip ang magsasabi na nabubuwisit, naiinis siya kay Vice Ganda sa Showtime?"

“Sige nga, isa-isahin natin ang mga miyembro ng noontime show kung mayroon maglalakas ng loob kahit isa lang na magsasabi na hindi na tama ang pinaggagagawa ni Vice? Gusto ba nilang mapasama sa mga kababayan nating nawawalan ng trabaho ngayong pandemya?”

Naungkat pa ni Cristy ang dating mga kasamahan ni Vice sa noontime show na sina Billy Crawford at Direk Bobet Vidanes, na pareho nang nasa noontime show na 'LOL' sa TV5.

"Si Direk Bobet Vidanes 'di ba sinasabi na power tripper tapos si Billy Crawford, power tripper. Eh galit si Vice sa dalawa. Gano’n talaga! Galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw," banat ni Cristy.

Pagkatapos ay nagpasaring pa si Vice hinggil sa mga 'Marites'. Aniya, ang mga pinakapangit na tao sa buong mundo ay mga 'Marites' o chismosa. Akala raw ng mga tao ay nakaka-cute ang pagiging Marites, ngunit ang totoo raw, ka-level ito ng mga magnanakaw at kriminal.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/23/vice-ganda-may-pinasasaringan-ang-pangit-after-magnanakaw-kriminal-marites/

Ngunit tutol naman dito ang showbiz columnist at dating talent manager ni Vice na si Ogie Diaz. Aniya, huwag sana i-generalize ni Vice ang pagiging Marites. May mga tinatawag daw na 'Marites with a heart' na nakakatulong daw sa mga tao upang malaman ang katotohanan sa mga nangyayari sa paligid.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/23/ogie-diaz-sinalungat-ang-banat-ni-vice-ganda-tungkol-sa-mga-marites/">https://balita.net.ph/2022/01/23/ogie-diaz-sinalungat-ang-banat-ni-vice-ganda-tungkol-sa-mga-marites/

Dahil dito, muli na namang bumanat si Cristy laban sa award-winning na komedyante. Aniya, si Vice raw ay kagaya ni Kris Aquino na siya mismo ang naglalahad ng kuwento ng buhay nila sa madlang pipol, na syempre umano ay pagpipistahan ng mga Marites.

Sey naman ni Romel Chika, wala naman talagang knows ang mga tao sa kanila kung hindi sila magpo-post ng mga bagay tungkol sa kanila sa social media.

“Huwag kang nagiging balat-sibuyas kung kasing kapal na ng repolyo ang mukha mo. Nagbabalat-sibuyas ka pa, nagagalit ka pa kapag ang Marites pinagpipistahan ka. Eh bakit ka magagalit, doon lang naman sila kumukuha sa post mo?” pambabasag ni Cristy kay Vice.

"Kung gaano ka kayaman, sino binilhan mo ng bahay, anong nabili mo at kung paano kayo magmahalan ni Ion Perez."

"Anong malay ng publiko sa buhay mo? Sa ‘yo 'yan nanggagaling kaya huwag nagbabalat-sibuyas kung kasing kapal ng kung ano-anong gulay ang mukha."

"Tigilan mo ang pagpo-post tungkol sa sarili mo at kay Ion, at kung ano ang kayamanang nasa iyo. Wala ka ring matitikman na kahit ano mula sa mga Marites."

Ang balat-sibuyas ay idyoma na nangangahulugang 'maramdamin' o sensitibo. Madaling masaktan sa mga birada o mga puna ng ibang tao.

Saad naman ni Romel, nagiging sukatan ng mga artista ang mga 'Marites' kung relevant pa ba o sikat pa ba sila. Kapag kasi hindi pinag-usapan, malamang daw ay 'laos' o wala nang pakialam ang mga tao sa isang celebrity.

"Iyon nga ang gustung-gusto niya eh. Labas siya nang labas ng ganiyang mga items dahil gusto niyang maramdaman na nasa gitna pa rin siya ng entablado at siya ay kailangan pa ng publiko.”

"Tigilan mo 'yan. Ang makakapagpagaling lang sa sakit mo, ikaw mismo."

"Wala kang sakit na mararamdaman mula sa mga sa mga Marites. Ikaw ang nagbubukas ng pintuan ng buhay mo. Isarado mo 'yan, wala kang mababasang kahit na ano," tila 'unsolicited advice' ng showbiz columnist sa komedyante.