Inanunsyo ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. General Jimili Macaraeg ang pagkakasamsamng ₱13,600,000 na halaga ng umano'y shabu sa isang drug suspect sa ikinasangbuy-bust operation sa Makati City nitong Enero 25.

Kinilala ang suspek na si Aldren Mariscal, alyas Aldren, 21, at taga-Pasay City.

Sa ulat na natanggap ni Makati City Police chief, Col. Harold Depositar, dinampot ang suspek nang bentahan nito ng iligal na droga ang mga pulissa Evangelista Street, Arnaiz Ave. Brgy. Bangkal dakong 5:37 ng hapon.

Nakumpiska ang mahigit sa 2,000 gramo ng pinaghihinalaang shabi at marked money.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nakakulong na si Mariscal at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea