Sa gulayan na ba masasadlak si Unkabogable Star Vice Ganda sa dalawang magkaibigang showbiz columnists na sina Cristy Fermin at Lolit Solis?

Matapos tawaging 'kasing-kapal ng mukha ng repolyo' at 'balat-sibuyas' ni Cristy Fermin ang sikat na komedyante, tinawag naman itong 'patola' at 'ampalaya' ni Lolit Solis, batay sa kaniyang latest Instagram post.

Kaugnay pa rin ito ng chika ni Lolit na nagpa-power tripping si Vice Ganda sa noontime show nitong 'It's Showtime' at ang mga maaanghang na parinig at pahayag ni Vice Ganda laban sa mga 'Marites'.

"Talagang type ni Vice Ganda na maging patola/ampalaya sa akin, Salve. Gusto niya ako sumikat kasi binabanggit niya name ko sa Showtime, hah hah. Hindi ko akalain na isang komedyante maging pikon sa konting pitik. Sabi ni Jugs hindi totoo, eh di hindi totoo iyon balitang power tripping, so ano problema?" banat ni Lolit.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Payo ni Lolit sa komedyante, sana raw ay makuha ang kababaang-loob at sense of humor ng yumaong Comedy King na si Dolphy. Baka raw kasi mabilis na malaos ang 'It's Showtime' host dahil pinasukan na umano ito ng hangin sa ulo.

"Dapat kay Vice Ganda makuha niya humility at sense of humor ni Dolphy. Si Dolphy kahit at the time na nag-slide nang konti ang popularity, nanatili ang love at respeto ng tao sa kaniya. Pag ganyan kadali mapikon si Vice Ganda, baka pag nalaos siya ang maging reaction ng tao, buti nga, kasi pinasukan ng hangin ang ulo."

"Sa konting pitik o issue, dapat kalmante ka lang, hindi OA sa reaction. Para bang wala ka dapat ibang opinyon kay Vice Ganda, dapat sabihin mo lang mahusay siya, popular siya, mabait siya. Bongga! Perfect ang dating , walang mali. Iyon kadalasan ang pinapasukan ng hangin sa ulo, pag ayaw mong pinupuna ka, ayaw mo na may nasasabi sa kilos at salita mo."

"Duda tuloy ako na baka totoo ang power tripping, dahil nakikita ko na ang sign sa pagiging pikon ni Vice Ganda."

Huwag raw sanang 'patola' o mapagpatol at 'ampalaya' o bitter si Vice sa kaniya.

"Huwag kang patola, at lalong huwag kang ampalaya, sige ka, papait ang lasa ng comedy mo, hindi na magiging katawa-tawa, kasi may halo ng ampalaya at patola, magiging chopsuey na iyan, corny na, hah hah hah!!!"

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen:

"Nanonood ako ng Showtime everyday parang wala namang nababanggit na name n'yo… Marites lang ang sinasabi… baka nga ikaw 'yun kasi Marites ka nga."

"Never liked Vice Ganda. Rude! Bastos, makapagpatawa lang! Hindi ko rin alam bakit type ng Pinoy ang ganoong klaseng komedya."

"Ikaw kasi nag-umpisa ng opinyon mo… bakit wala ba silang right na i-defend side nila?"

"Respect begets respect. Konting preno po. Give due consideration to Ma'am Lolit. Actually she just aired her personal opinion. You have yours also. This is a free country."

Wala pang tugon o parinig dito si Vice Ganda.