Binasag ni Kapuso star Bea Alonzo ang isang netizen na nagtanong sa kaniya kung bakit hindi pa siya nag-aasawa, gayong ang mga kasabayan niya sa showbiz ay pamilyado na gaya nina Marian Rivera, Anne Curtis, Jennelyn Mercado, at iba pa.

Sabi pa ng netizen, hindi na raw bumabata pa si Bea kaya ano pa ba raw ang hinihintay nito gayong may Dominic Roque na siya na nagpapasaya sa kaniyang buhay ngayon.

"You're not getting any younger po, when will you get married and have kids like Marian (Rivera), Anne (Curtis), Jennelyn (Mercado) etc.?" pang-iintriga ng netizen. Ibinahagi ito ni Bea sa kaniyang Instagram story.

Sagot ni Bea sa pamamagitan ng text caption, "May taxi? Hahahaha."

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

"Hindi ako nagmamadali. I'd like to take my time. It's not a race, after all. I believe we all have our own timeline."

Screengrab mula sa IG/Bea Alonzo

Samantala, umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Patience is where we realize that to rush something is to compromise it to its own destruction. Maturity is to realize that the most effective way to stop the destruction is by beginning to develop patience. And the first place that we need to do that is with ourselves. - Craig D. Lounsbrough. So, never let anyone rush you. Don't let anyone control your decisions in life."

"Ang payo ko sa mga babae na mid 30s wag magmadali. Nakakatakot mapunta sa maling tao."

"Sukatan ba ng fulfillment at success ang pagkakaroon ng asawa at mga anak? Kailan kaya mgbabago ang way of thinking ng mga Pinoy?"

"Yung nagtanong napaka-immature. Tipong di maganda ka-bonding kasi laging may pagka-intrusive at di marunong lumugar."

"I love Bea Alonzo!!! Never pa ko nakabasa ng article na sumagot si Bea ng rude or may sinagot siyang basher."

"Gusto ko yung sagot niya! Pak na pak, original at hindi generic answer. Yung tipong hindi mo mababasa sa mga quotes."

"Hindi mandatory na magpakasal and magka-anak. If a person finds fulfillment sa pagiging single and walang anak, that's their decision to make."

Samantala, marami naman ang natutuwa sa mga sweet moments nila ni Dominic na talaga namang open book na sa publiko at proud na proud si Bea na ibahagi sa kaniyang social media accounts.