Isa sa mga naging guest ang Kapamilya actor na si Jake sa online benefit show ng ABS-CBN na 'Isang Daan sa Pagtutulungan' para sa mga nabiktima ng super typhoon Odette noong Disyembre 2021.

Dahil dito ay sumabak siya sa 'Truth or Dare' Challenge. Isa sa mga tanong sa kaniya ay kung paano siya 'napapakalma' ng babae kapag wala siya sa mood, natetensyon, o may mga pagsubok na pinagdaraanan.

Sa halip na sagutin ang tanong, tinawag niya ang kaniyang nobya na si Miss International 2016 at aktres na si Kylie Versoza. Sagot naman ng jowa, marami siyang ginagawa upang mapagaan ang pakiramdam ng nobyo.

Isa na rito ang pagbili ng paborito nitong pagkain o kaya naman ay ipagluto ito. Ipinakakain niya sa boyfriend ang comfort food na gusto nito upang manumbalik ang sigla.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Kailangan mo siyang pakainin. Bilhin mo ’yung food (na gusto niya) o lutuan mo ng favorite niyang pagkain," sagot ni Kylie na umaariba sa paggawa ng pelikula sa Viva Films, na napapanood naman sa Vivamax.

O kung hindi naman pagkain, maging sweet lamang dito. 'Yakapsul' daw ay uubra na rin mula sa kaniya.

“Kaunting effort lang. Maging sweet ka lang. Hug, ganiyan. Okay na siya niyan. Lambing lang ’yan,” sagot pa ni Kylie.

2019 nang aminin nina Jake at Kylie na dating na sila. Nagkasama sila sa teleseryeng 'Los Bastardos' sa ABS-CBN. Ngunit bago si Kylie, ang huling napaulat na nakarelasyon ni Jake ay si American model Sara Grace Kelley. Noong 2016, inamin ni Jake na naghiwalay na sila ng modelo.

October 2016 nang aminin ni Jake ang breakup nila ni Sara.