Isa sa mga celebrity na naantig sa kuwento ni Lolo Narding Flores, 80 anyos na nakulong dahil sa bintang na pagnanakaw umano ng mangga sa Pangasinan, ay si Kapuso hunk actor Wendell Ramos.

Hindi siya nagpatumpik-tumpik na nagpaabot ng tulong sa matanda sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng negosyo o pangkabuhayan showcase, batay sa kaniyang latest Instagram post.

"Pay it forward! Thank you Lord for making these things possible. Negosyong handog para kay Lolo Nardo mula sa @ifranchise.bscorp @wendeli_meathouse @ofwfamilyclub. God bless Lolo Nardo," saad ni Wendell sa kaniyang Instagram post.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Wendell Ramos at Narding Flores (Screengrab mula sa IG)

Personal itong sinadya ni Wendell sa Asingan, Pangasinan para ibigay ang handog na kabuhayan para dito---isang maliit na tindahan ng mga karne, kung saan nakalagay pa ang ni Lolo Nardo. May disenyo pa itong mangga. Nagbigay rin sila ng mga kaing-kaing na mangga.

Nagbigay na rin ng kanilang tulong ang aktres na si Ryza Cenon at vlogger na si Shiwen Lim.