Tatlong buwan matapos humantong sa altar ang pag-iibigan ng Kapuso couple na si Tom Rodriguez at Carla Abellana, how true na naghiwalay na rin agad ang dalawa?

Tila isang apoy na mabilis kumalat sa social media ang tunay na estado ng newly-wed couple na sina Tom at Carla matapos mapansin ng ilang netizens ang umano’y pag-unfollow ng dalawa sa isa’t isa sa Instagram.

True nga. Kapansin-pansin na wala na si Carla sa following list ng Instagram account ni Tom. Taliwas naman sa mga naunang ulat, naka-follow pa rin ang aktres sa account ng aktor.

Sa isang entertainment portal, ilang showbiz insider ang nagsabing naging pagsubok umano sa dalawa ang kanilang madalas na hindi pagkakaintindihan ilang buwan lang matapos maging misis at mister.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Ewan ko kung totoo ang ilang kuwentong nasagap naming madalas daw ang kanilang pag-aaway at ilang beses na umano silang naghihiwalay sandali, pero nagkakaayos din,” ani Gorgy Gula ng PEP.PH.

Mababakas pa rin ang ilang larawan ng dalawa sa kapwa nila Instagram accounts kabilang ang ilang larawan ng kanilang kasal.

Basahin: Carla Abellana, may nilinaw isang buwan matapos ikasal kay Tom Rodriguez – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nito lang Disyembre, naglabas pa ang aktres ng isang Youtube vlog ng kanilang unang date bilang mag-asawa isang buwan matapos ang kanilang kasal. Sa naturang vlog din ipinaliwanag ni Carla kung bakit hindi pa nito magamit ang apelyido ng asawang si Tom sa totoong buhay.

“None of my IDs say Mott [apelyido ni Tom]. For the longest time, it’s going to stay Abellana because my passport says Abellana and it’s valid for ten years,” paliwanag ni Carla.

“Bagong bago lang ang aking passport. Kaka-renew lang so Abellana pa ‘yun for the next 10 years. All my government-issued IDs are still Abellana so I have to write Abellana pa rin,”dagdag niya.

Matatandaang ikinasal ang Kapuso couple sa San Juan Nepomuceno Parish Church noong Oktubre 2021 matapos ang pitong taong relasyon.