Kinatuwaan ng mga netizen ang 'nakikiuso lang' Instagram post ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual kung saan kasama niya ang cosplayer at celebrity na si Alodia Gosiengfiao, na kamakailan lamang ay muling pinag-usapan dahil sa kaniyang 'Hi, ako nga pala yung sinayang mo' social media post, na 'parinig' daw sa kaniyang ex-boyfriend na si Wil Dasovich.

Agad naman itong 'sinakyan' ni Wil kaya nag-post naman ito ng litrato na naka-topless, nakasuot ng apron, at may bitbit na rice cooker na may kanin sa loob. Ang caption naman ay 'Hi, ako nga pala yung sinaing mo.'

Naki-sali naman dito ang naging arkitekto ng kanilang dream house na si Oliver Austria, ipinakita ang blueprint ng bahay, na may caption naman na 'Hi, ako nga pala yung sinayang ninyo.'

Marami pa sa mga netizen ang gumawa ng memes kaugnay nito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

At nito lamang Enero 22 ay isa rin sa mga nakisali sa 'pausong' ito ay si Papa Pi.

"Ako na lang magsampay at magsaing para walang masayang. #NakikiusoLang," saad sa caption. Kalakip nito ang litrato na kasama ang naka-apron na si Alodia, na para bang kinikilig. Pareho nilang hawak ang isang malaking kaldero. Sa braso naman ni Piolo ay nakasampay ang mga damit.

Piolo Pascual at Alodia Gosiengfiao (Screengrab mula sa IG/Piolo Pascual)

Agad namang nagkomento rito ang mga celebrity.

Doc Hayden Kho: "Piolo for the WIN!"

Rufa Mae Quinto: "Yesh!"

Karen Davila: "Hahahaha cute!"

Angel Locsin: (Laughing emoji)

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng mga netizen:

"Yaya Moi, mukhang hindi magtatagumpay plano mo."

"Shaina, keep up naman!"

Tanong naman ng marami, bakit magkasama sina Piolo at Alodia? May proyekto ba silang dalawa?

Samantala, si Wil naman ay itinampok sa 'Kapuso Mo Jessica Soho' noong Linggo kung saan tinawag siyang 'Saing King' dahil sa pagtatampok ng iba't ibang uri ng sinaing na ulam sa Pilipinas.

"Saing pa more! Samahan niyo ang Saing King mamaya on @km_jessica_soho. Food trip tayo sa mga pinaka best saing sa Pinas!

"Anong klase ng sinang ang paborito mo?! Dami pala ha di lang kanin kala mo!"

Wil Dasovich (Screengrab mula sa IG)