Matapos ang pagtutuwid ni Kris Aquino sa Instagram post ni Manay Lolit Solis na posibleng magkabalikan umano sila ng dating fiance na si Mel Sarmiento, sumagot naman dito ang showbiz columnist sa panibago niyang Instagram post ngayong Enero 24, 2022.

"Thank you kay Kris Aquino sa pagsagot niya doon sa mga balita na baka magkabalikan sila ni Papa Mel, Salve," panimula ng showbiz columnist.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/24/kris-hindi-babalikan-si-mel-iniwan-niya-ako-when-i-was-at-my-lowest-and-ginawa-niya-yun-via-text/

"At least na clear niya iyon maraming tanong na nasa isip ng mga followers niya. Akala pa naman ng lahat natagpuan na ni Kris ang ‘the one’ para sa kanya, pero kung babasahin mo ang naging sagot niya parang umpisa pa lang ay hindi na buo ang nararamdaman niya kay Mel," pahayag ni Manay Lolit.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/24/kris-may-paratang-kay-mel-nag-imbento-hindi-siya-minahal-at-ginamit-lang-siya/

Sa una pa lamang daw ay mukhang may 'kapalpakan' na umano na ginawa si Mel.

"Masakit nga siguro iyon nag-try ang ate niya para kausapin si Mel pero iniwasan niya at hindi sinagot ang tawag ng ate ni Kris. So noon pa lang pala medyo may mga ginagawa ng palpak si Mel, kaya mas mabuti ngang naghiwalay na sila. Plus iyon hindi pala kaya ni Mel na lagi nasa tabi ni Kris lalo ngayon dahil sa kalagayan nito."

"Iyon hindi puwede i-sacrifice ni Mel iyon pag shopping niya sa isang middle class na clothing shop at pagpunta sa barbero. At how gross na sa text lang niya break si Kris Aquino. Sayang talaga dahil nga akala ng lahat ito na ang hinihintay na matagal ni Kris, at inakala pang kasundo ng mga anak niya, pero hindi pala. How sad."

"Sana naman hindi gaanong nasaktan si Kris at naka-move on agad, kundi dagdag-stress pa sa kanya iyon break up nila ni Mel. Hindi bale na, for sure, ang lucky the one ni Kris nandiyan lang, naghihintay din ng tamang timing. Magtatagpo din tiyak ang dalawang iyan, in God’s time. Pray natin Gorgy at Salve."

Aniya pa, deserve umano ni Kris na makasumpong ng kaniyang 'forever'.

"Kris deserves to be loved, and has so much love sa puso niya na puwede niya ishare. Sana matagpuan na niya ang kanyang forever."

Agad namang sumagot si Kris sa IG post na ito ni Manay Lolit.

"Nay- TRUTH… Ate said for the sake of peace NEVER post anything about what I had gone through & what he had done to me- just let go and thank God you found out early enough… Nay, I obeyed because my Ate is really like a 2nd mom to me. And I can never say NO to just 3 people- Ate & my 2 sons."

"BUT nakahanap ng loophole sa request niya- she said for ME to never post-pero she didn't specify na wag ako mag comment sa posts ng iba… hindi ko alam why yesterday as i was scrolling through IG, I saw your post."

Sa bandang dulo ng post ay tila may himig-pagbibiro na si Kris.

"So you know your Tetay- I found a way to still obey my Ate but finally reveal my TRUTH."

Samantala, nagbigay naman ng mensahe kay Kris sa comment section ang misis na aktres ni Christopher De Leon na si Sandy Andolong.

"Healing prayers for Kris. May the Lord bless you and keep you. May the Lord make his face shine upon you, and be gracious to you. May the Lord lift up his countenance upon you, and give you peace," aniya.

Nagkomento rin ang kaibigang abogado at nirereto ng mga netizen kay Kris na si Atty. Gideon Peña.

"@krisaquino the de facto* lawyer.⁣ *in fact or effect."

Matatandaang noong Enero 23 ay nag-post si Manay Lolit na posible umanong magkabalikan sina Kris at Mel. Batay raw ito sa mga senyales, subalit hindi na ito ipinaliwanag pa ng showbiz columnist.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/23/kris-aquino-at-mel-sarmiento-magkakabalikan-daw-sey-ni-lolit/

"Siguro nga naramdaman ni Papa Mel na sayang kundi bibigyan ng second chance ang kanilang relasyon lalo pa nga at tanggap ng kani kanilang pamilya ang kanilan love sa isa’t isa. Well, love is lovelier the second time around , kaya sige na Kris at Papa Mel, back na kayo sa isa’t isa, kiss and make up na," saad ni Lolit, na siyang pinabulaanan ng Queen of All Media na ngayon ay nagpapagaling sa sakit.