Usap-usapan ngayon ang naging sagot ni Queen of All Media Kris Aquino sa ispluk ng showbiz columnist na si Manay Lolit Solis hinggil sa posibleng pagbabalikan daw nilang dalawa ng dating fiance na si Mel Sarmiento.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/23/kris-aquino-at-mel-sarmiento-magkakabalikan-daw-sey-ni-lolit/

Pinabulaanan mismo ni Krissy ang mga sinabi ni Lolit sa mismong Instagram post nito noong Enero 23, 2022. Ayon kay Kris, iniwanan siya ni Mel sa kaniyang 'lowest' sa pamamagitan lamang ng text messages.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/24/kris-hindi-babalikan-si-mel-iniwan-niya-ako-when-i-was-at-my-lowest-and-ginawa-niya-yun-via-text/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagulantang naman ang mga netizen sa mga pasabog ni Kris, na kesyo 'nag-imbento' lamang ng kuwento umano ang dating nobyo na close ito sa kuya niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino. Pinatunayan daw ito ng tumayong 'sidekick' ng yumaong si P-Noy, na maihahalintulad ni Kris sa personal assistant niyang si Alvin.

Ito raw ang naging 'final straw' ni Kris upang tuluyan nang tuldukan ang pakikipagrelasyon kay Mel, bukod pa sa nasaktan daw nito ang damdamin ng bunsong anak na si Bimby, at inisnab naman ang kaniyang Ate, na hindi naman niya tinukoy kung sino sa kanila.

"Basing it on that final conversation, it became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect I had left for him… let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this."

"It spoke volumes to me noong nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him & hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate."

"And siguro yung final straw for me was the fact kinaya niyang mag-imbento ng napakaraming kwento bilang 'patunay' na close talaga sila ni Noy eh may parang Alvin si Noy, pero kung si Alvin 17 years with me, this person was with my brother for 28 years and kasing detalyado ang calendar of the people, places, events na napuntahan & nakasama ni Noy as Alvin is with me- mas grabe pa yung kaniya because from Congress 1998 to the end of Noy’s term in 2016 kumpleto talaga yung listahan."

Hindi umano matanggap ni Kris na 'ginamit' umano ni Mel ang nananahimik na patay.

"I feel OA yung ginawang panggamit sa nananahimik ng patay- kaya it was a relationship na yung entire premise, what led to the closeness was my brother Noy- and because of what I had perceived to be their closeness (background lang: the 2 boys & I lived with Noy for the last 5 weeks before the May 2016 elections and Mel was a constant presence kasi maraming tinatapos na LGU issues)."

Bilang finale ni Kris, sinabi niya kay Lolit na paano raw ba babalikan at pagkakatiwalaan ang isang taong 'hindi ka minahal' at 'ginamit ka lamang'? Mag-move on na raw, aniya.

"So paano magbabalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang? The End, Nay… Move on na…"

Kris Aquino (Screengrab mula sa IG/Lolit Solis)

Narito naman ang naging reaksyon at komento ng mga netizen:

"So it is safe to say now @krisaquino that one should know first the guy before jumping into a relationship? Well if that's the case we can't fully blame the guy."

"This is another proof na ang sinulat ni Lolit mali-mali talaga."

"Nandito kaming nagmamahal at nagdarasal sa iyo, sa kalusugan mo at kina Kuya Josh at Bimb at sa pamilya Aquino. Mahal ka namin madam."

"@krisaquino, tell him he cannot outsmart you. He should know better. No need for regrets, the what-ifs, etc. Take care of yourself and your family. P-Noy would want that for you."

"@krisaquino even from the start when I saw the video of you together, something is not right. Something is not real. Definitely it’s not you. We love you Krissy!"

Samantala, wala pang tugon si Mel Sarmiento tungkol sa mga paratang sa kaniya ng ex-fiancee. Wala pa ring paliwanag si Manay Lolit kung saan o sino ba ang naging source niya para masabing magkakabalikan nga ang dalawa.