Pinalawig pa ng Rain or Shine ang kontrata ni James Yap kahit ito ay naka-leave sa koponan upang pagtuunan ng pansin ang kandidatura nito sa pagka-konsehal sa San Juan City sa May 9 elections.
Ito ang kinumpirmani co-team owner Raymund Yu. Expired na noong Disyembre 31 ang unang kontrata ni Yap.
Ipinaliwanag ni Yu na ayos lang na ang pagpapalawig ng kontrata ni Yap dahil matatapos na ang Governors Cup sa Abril kung matutuloy ang mga nakatakdang laro sa Pebrero.
Gayunman, wala pang isinasapublikosa Yap sa mga plano nito pagkatapos ng eleksyon.
Idinugtong pa ni Yu na noong pumirma si Yap ng tatlong taon pang kontrata noong Disyembre 2018, nabanggit umano ng manlalaro na posibleng ito na ang huling bahagi ng kanyang basketball career sa PBA dahil na rin sa kanyang edad.Si Yap ay 40-anyos na sa Pebrero 15.