Pabor si Military Ordinary Bishop Oscar Jaime Florencio sa pagkakaroon ng mandatory military service sa mga kabataan.

“I think we need that to instill more discipline to our young people,” ayon kay Florencio sa Radio Veritas.

Dagdag pa niya: "It’s a good thing also to bring about while they are young."

Sinabi ni Florencio na hindi lamang ito dapat maging isang academic requirement, kundi isang pangangailangan para sa isang “strong and solid good character.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iginiit din niya na dapat igalang ang mga karapatan ng mga sasailalim sa serbisyong militar at tiyakin ang kanilang kaligtasan.

Nauna nang iminungkahi ni presidential daughter at vice presidential aspirant Sara Duterte na gawing mandatoryo ang serbisyong militar para sa mga Pilipino kapag umabot sa edad na 18.

Leslie Ann Aquino