Ibinunyag ng aktor na si Dingdong Dantes nitong Linggo, Enero 23, na nagpositibo siya at pamilya nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa kanyang Facebook post, nilinaw nito na huling araw na ng kanyang quarantine nitong Linggo.
Sa loob aniya ng dalawang linggo, naging mahirap ang kanilang sitwasyon sa paglaban sa COVID-19.
Nagkaroon aniya sila ng sintomas ng sakit at nang magpa-test sila ay natuklasang positibo ang mga ito sa COVID-19.
Nagpapasalamat aniya sila dahil fully-vaccinated na ang mga ito at nabigyan na rin ng booster.
"Hanggang sa lahat kami dito sa bahay nilagnat na at nagkaroon ng sintomas kaya iniisip namin mukhang ‘eto na ‘yun, mukhang nasama na kami sa surge so nag-test kami at ‘yun na nga nag-positive kami sa COVID," paglalahad ng Kapuso actor.
“Hindi namin alam kung saan at papaano kami nahawa pero mabuti na lang [ay] mild lang ang sintomas namin,” sabi nito.
Sinabi ni Dingdong na mabuti na ang pakiramdam niya, at hindi raw dapat ikahiya kung dapuan ng COVID-19.
“Hindi po kasalanan o dapat ikahiya ang pagkakaroon ng COVID kasi kahit anong pag-iingat ang gawin, nandiyan pa rin ang panganib na makuha ito,” pagpapatuloy ng aktor.
“'Yung pagsubok na ‘to na pinagdadaanan natin ng buong mundo, isang napakahirap na hamon para sa ating lahat pero malalampasannatinglahat ito kungtayo’ymagtutulungan at patuloy naiisipinang kapakanan ng bawat isa,” pahayag pa nito