Pumayag ang aktor na si Diego Loyzaga na magkaroon ng butt exposure o pa-pwet sa kaniyang bagong kinabibilangang pelikula sa ilalim ng Viva Films, na may pamagat na 'The Wife' kasama ang baguhang aktres na si Cara Gonzales at kilalang aktres na si Louise Delos Reyes.

Handang-handa na raw makipagsabayan si Diego sa mga 'mapangahas' at 'matatapang' na aktor ng Viva Artists Agency na walang kiyeme sa hubaran. Tiwala naman umano si Diego sa kanilang direktor na si Denise O'Hara gayundin, komportable umano siya sa mga makakasama niya sa pelikula.

Kahit na maseselan umano ang ilang mga eksena, pumayag daw siyang gawin ang mga dapat gawin batay na rin sa kanilang materyal. Propesyunalismo lamang din umano ang pinaiiral niya. Isa pa, nakasama na niya sa trabaho si Louise sa Pinoy adaptation ng K-drama na 'Encounter' na umere noong 2021 sa TV5, katambal si Cristine Reyes.

“Nagkasama kami sa Encounter pero I was happy to finally have a scene with her because in Encounter, hindi nga kami nagka-eksena masyado. If ever, very minimal lang and she’s a great actress. Ang galing niya talaga," bida ni Diego kay Louise.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aminado si Diego na magkakaroon siya ng 'kabit' sa pelikulang ito.

"I’ve never played a role like this before, so it’s definitely a different level of heaviness. Heavy drama. Every script is different from every other script that you’ve done in the past."

"Different situations, different scenes, different circumstances that happened in the script. Ang ganda ng message," paliwanag niya.

Ang huling pelikula ni Diego na napanood sa Vivamax ay 'Dulo' katambal ang nobyang si Barbie Imperial.

Speaking of Barbie, wala pang sey si Diego kung totoo ba ang mga kumakalat na hula ng mga Marites na hiwalay na sila ni Barbie Imperial. Sa kasagsagan ng pagpasok ng Bagong Taon ay kapansin-pansin kasi na wala pa silang litrato na magkasama.