BACOLOD CITY - Pansamantalang ini-lockdown ang gusali ng Negros Occidental Provincial Capitol matapos mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID019) ang gobernador nito at 21 na empleyado kamakailan.

Sa pahayag ni Provincial Administrator Atty. Rayfrando Diaz II, naka-isolate na ngayon si Governor Eugenio Jose Lacson at 21 na kawani nito.

Ipinasya naman nilang isailalim sa 5-day lockdown ang nabanggit na gusali, simula Enero 24-28 upang ma-disinfect ito.

Nitong Enero 20 aniya ay nakaramdam ng sore throat si Lacson matapos dumalo sa pamimigay ng ayuda sa mga biktima ng bago sa katimugan ng lalawigan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pansamantalang tatayo bilang gobernador siVice Governor Jeffrey Ferrer habang nagpapagaling sa sakit si Lacson.

Glazyl Masculino