Napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang showbiz/entertainment vlog na 'Showbiz Update' ang tungkol sa ispluk ni Manay Lolit Solis tungkol kay Vice Ganda, na diumano'y nagpa-power tripping ito at siya nang nasusunod sa kinabibilangang noontime show na 'It's Showtime,' bagay na pinalagan naman ng co-host niyang si Jugs Jugueta, bokalista ng bandang Itchyworms.

Sa isang Instagram post, tinanggap naman ni Manay Lolit ang pagtutuwid ni Jugs at pinuri pa niya ang magalang na panunuwid nito sa kaniya. Inamin din ni Lolit na minsan, mali-mali ang mga chika o impormasyong nakararating sa kaniya.

At mukhang nagpasaring umano si Vice Ganda sa latest episode ng It's Showtime, para sa mga 'Marites' (Mare/s, ano ang latest?) na makabagong tawag sa mga chismosa, miron, usisero at usisera.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Mama Loi, Ate Mrena, at Ogie Diaz (Screengrab mula sa YT/Showbiz Update

Binasa ni Mama Loi ang pahayag umano ni Meme.

"Depende 'yan sa mga sinusubscribe-an n'yo eh, kung saan mo ine-expose yung sarili mo. Nakukuha mo yung energy na 'yon kung mga sinusubscribe ninyo, pinapanood, o binabasa, masasaya, gumaganda ang energy ninyo. Pag sinusubscribe n'yo, pinapakinggan, pinaniniwalaan, o binabasa yung mga pangit na chika, nakakapangit iyan," ayon kay Vice.

Para kay Vice, pinakapangit na tao raw sa mundo ang mga Marites.

"Kaya 'di ba, ang pinakapangit na tao sa mundo yung mga Marites? Kasi pagkatapos ng mga magnanakaw, Marites na 'yon eh. Ganoon kapangit. Narealize ko, lalo na noong end ng 2021. Parang masyado na nating ginagamit yung term na Marites, akala ng mga tao cute 'yun."

"Kaya ang daming nagpapaka-Marites, akala nila ay pag Marites cute ka. No, ang pangit ng Marites. After ng magnanakaw, sinungaling… Marites," pahayag umano ni Vice.

Reaksyon naman ni Ogie, iginagalang naman niya ang opinyon ni Vice, ngunit lahat naman daw ay guilty sa pagiging Marites, dahil ito ay kaakibat na sa kultura ng mga Pilipino. Ang dapat daw na uri ng Marites na meron ngayon ay 'Marites with a heart.'

"Hindi porket narinig natin ang chika sa ibang tao, eh paniniwalaan na agad natin. Puwede ring maging tulay ang Marites," depensa naman ni Ogie.

Aminado naman sila na bahagi sila ng pagiging Marites dahil iyon ang trabaho nila bilang showbiz reporter. Tutol naman siya sa sinabi ni Vice na ang 'pinakapangit na mga tao sa mundo ay Marites.'

"Nag-evolve lang 'yan sa pagiging chismosa… yung term na chismosa nag-evolve lang 'yan, ganiyan lang 'yan. Tayo, Marites po kami, kasi mga taga-industriya kami. Sabihin n'yo nang trabaho namin ito, 'di ba, pero sa pagiging Marites namin, marami kaming naaaliw, marami kaming napapangiti," paliwanag ni Ogie.

"May iba naman na hindi nila alam na Marites sila… yung iba in denial lang. Sa totoo naman, pagdating ng umpukan, sila pa yung source ng mga information sa buhay ng ibang tao."

"Sila pa yung bangka," sundot naman ni Mama Loi, na sinang-ayunan naman ni Ogie.

"Pero 'Nay, baka ang tinutukoy ni Vice ay yung mga Marites na walang ibang intensyon kundi manira ng iba? Baka naman nageneralize o miscalculation of words?" giit pa ni Mama Loi.

"Ay hindi po Marites 'yun, troll 'yun," sagot naman ni Ogie.

May mensahe naman si Ogie kay Vice.

"Sana lang hindi ginegeneralize kasi puwedeng kung ang isyu ay kay Lolit (Solis), kay Lolit. Kung ang isyu ay kay Ate Cristy, kay Ate Cristy. Kung ang isyu ay kay Ogie Diaz, kay Ogie Diaz lang, kumbaga, hindi naman lahat ng Marites ay nag-iimbento ng balita, ng impormasyong nakalap. Kaya sana hindi ginegeneralize ang pagiging Marites."

Sana raw, dinirekta na lamang ni Ogie si Manay Lolit kung may isyu raw siya sa mga nasabi nito, dahil baka nasaktan naman ang ibang mga Marites na ginagawa lamang nila ang trabaho nila.