Inamin ng isa sa mga cast member ng pinag-uusapang 'The Kangks Show' na si Kapamilya star Mariz Racal na dati raw ay hindi niya bet ang kaniyang katawan dahil napapayatan siya sa sarili niya.

"Ako, dati, hindi ko talaga gusto yung body ko kasi masyadong sobrang payat," sey ni Maris sa isinagawang panayam ng Philippine Entertainment Portal sa kaniya noong Enero 20, 2022 hosted by Jimpy Anarcon.

Nakaapekto rin umano ang kaniyang katawan sa mga roles na ibinibigay sa kaniya.

"And like, yun yung time na gusto ko nang mag-mature onti sa role and laging talagang nabibigay sa akin bata, ganyan. Kasi ang liit ko. So yun yung insecurity ko, parang guso ko mag-gain," aniya.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

At syempre, may mga body shamers din siyang naka-engkuwentro. Tinawag daw siyang sobrang payatot at tuyot.

"May mga comments din na, 'Ano ba ito si Maris, masyadong payatot,' parang, 'hindi nakakaganda, hindi nakaka-fresh.'

"Or parang,… like, very low na word like, 'Ang tuyot mo na.' Alam mo yun?"

Aminado naman siyang nakaapekto ito sa kaniyang tiwala sa sarili, subalit habang tumatagal, nasasanay na rin at hindi na lamang niya ito pinapansin. Naaral na rin niya kung ano ang isasagot sa mga basher at hater na walang ginawa kundi mamuna ng mga kapintasan sa katawan ng mga artistang gaya niya.

"'Get a life! Alam mo?' Parang, 'Hindi mo naman ito katawan eh,' alam mo 'yun?"

Hindi na raw welcome ngayong 2022 ang body shaming.

"Kung mag-comment ka nangg ganyan, ikaw na yung nakakaawa, hindi na yung binabash mo. At the end of the day, ako lang nakakakilala sa sarili ko. And, I have my own goals sa body."

"I may look like this, but you don't know if I'm unhealthy inside so I'm fixing that. "May sarili tayong goals so focus tayo sa sarili natin. And that applies to everyone who's watching din na focus on your own self when it comes to your body."

Mukhang happy naman si Maris sa estado ng career niya ngayon. Sa katunayan, bukod sa pinupuri ang kaniyang acting sa 'The Kangks Show', may bago rin siyang awitin ngayon na pinamagatang 'Pumila Ka'.

"I can’t believe it’s finally out. Taon rin akong kating-kati na irelease 'to," saad ni Maris sa kaniyang Instagram post noong Enero 20.

Maris Racal (Screengrab mula sa IG)

"Para 'to sa lahat ng matagal nang nakapila sa kung ano man. Sa grocery, sa crush nila, o kahit sa pangarap nila. Dadating din ang panahon na makukuha n'yo 'yan."

Going stronger din ang relasyon nila ng jowang singer, songwriter, multi-instrumentalist, record producer, actor, endorser at entrepreneur na si Rico Blanco kahit na malayo ang agwat ng edad nila sa isa't isa.

Nagsimulang makilala si Maris nang maging teen housemate sa 'Pinoy Big Brother: All In' noong 2014 kung saan siya ang itinanghal na Second Big Placer. Si Daniel Matsunaga naman ang Big Winner.

Kasabayan niya ang mga sikat na ring artista ngayon na sina Loisa Andalio at Joshua Garcia na galing din sa PBB at mga bankable stars na sa Kapamilya Network.