Pinangunahan ni Governor Daniel Fernando angpaggunita ng Ika-123 Anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas sa makasaysayang lugar ngBarasoain Church sa Malolos, Bulacan nitong Linggo, Enero 23.
Ang tema ng okasyon ngayong taon ay, "Unang Republikang Pilipino: Sandigan ng Nagbabagong Panahon” kung saan tampok angflag-raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gen. Emilio Aguinaldo.
Paliwanag ni Fernando, mahalagang gunitain ang makabuluhang kaganapan na nakaukit na sa pangalan ng Pilipinas sa kasaysayan ng mundo.
“Ito ay hindi upang ipakita na memoryado natin ang aklat ng kasaysayan. Ang higit na mahalaga ay ang ipamulat sa ating henerasyon na taglay natin ang katatagan na nag-ugat sa mga aral ng nakaraan, at upang patunayan na marami tayong prinsipyong natutunan mula dito,” pagdidiin ng gobernador.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, pinasinayaan ang Republika noong Enero 23, 1899 at makasaysayangBarasoain Church kung saan tampok ang seremonya ng pagbabasa ni Secretary Pablo Ocampo ng buong Konstitusyon.
Ang proklamasyon ni Congress President Pedro Paterno sa Republika ng Pilipinas ay sinundan naman ng proklamasyon kay General Emilio Aguinaldo bilang nahalal na Pangulo ng bagong Republika.
Freddie Velez