Nahaharap na ngayon sa kasong kriminal ang dalawang babaeng layout artist matapos dakpin ng pulisya dahil sa umano'y iligal na paggawa ng vaccination card sa Estrada Street, Barangay Zone 2, Digos City, Davao del Sur nitong Sabado.
Nasa kustodiya na ng Digos City Police Station ang dalawang suspek na kapwa 22 taong gulang.
Hindi muna isinapubliko ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawa habang iniimbestigahan pa ang kaso upang matukoy
Sa ulat ng mga awtoridad, sinalakay ng mga pulis ang shop ng dalawa matapos silang makatanggap ng impormasyon kaugnay ng iligal na gawain ng mga ito.
Nasamsam ng pulisya ang marked money, dalawang piraso ng pekeng vaccination ID, dalawang piraso ng affidavit of objection on COVID-19 vaccine, isang computer set at printer, 11 piraso ng photo paper at dalawang piraso ng ID.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag saMandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at falsification of public documents.