Game na game makipagbardagulan ang Viva actress-singer na si Nadine Lustre sa kaniyang mga bashers at haters na tila lahat na lamang ng kinibot at sabihin niya ay sinisita nila, lalo na pagdating sa kaniyang 'ex'.

Una na rito nang sabihin ni Nadine na 'Nice to know that after all this time, I'm still living rent free in your heads" sa Twitter.

Barda naman ng isang basher, "Cause no matter how you deny it, your ex is still living rent free in your head."

Tugon naman ni Nadine, "Wala talagang wow factor mga banat mo. Naka-move on na kaming lahat. Mag-move on ka na rin, sis."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ngunit game din ang basher na makipagtalakan sa kaniya.

"Wala pa lang wow factor? Pero lagi mo naman akong sinasagot?"

Ganti naman ni Nadine, "Ayaw mo bang mainspire siz?! Hanap ako ng iba."

Larawan mula sa Twitter/Nadine Lustre

Larawan mula sa Twitter/Nadine Lustre

Kamakailan lamang ay nagpalagay ng dragon tattoo si Nadine sa kaniyang kanang braso na likha ni tattoo artist Indygrain ng Vimana Tattoo.

Larawan mula sa Twitter/Nadine Lustre

Kinukuwestyon din ito ng mga basher at ikinokonekta sa kaniyang 'ex'.

"What's the meaning of your new tats? It's pretty and cool btw," tanong ng isang netizen.

"It's the tiny voice in my head," saad naman ni Nadine.

Maya-maya, may basher na nagkomento na minura pa siya. Hindi pa raw siya talaga maka-move on sa ex niya. Sinabi pa nito na 'rebound' lang niya ang present boyfriend niya.

"Urur. Yan yung dream tattoo ng ex mo. Ano ghorl di pa rin makamove on? Anino pa rin? Rebound lang yung present. Hahaha. Parang career mo lang di na umusad. Laos. Feeling Western dzai."

Kontra naman ni Nadine, "Dzai tama na. Di na namin alam pinaglalaban n'yo. Tinawag pa akong ulol. Siya nga itong ulol na ulol sa akin."

Larawan mula sa Twitter/Nadine Lustre

Larawan mula sa Twitter/Nadine Lustre

Larawan mula sa Twitter/Nadine Lustre

Bagama't hindi naman pinangalanan kung sino ba ang tinutukoy na 'ex', ang kilalang 'ex jowa' ni Nadine ay ang dating katambal at boyfriend na si James Reid, at ang rumored boyfriend naman niya ngayon ay ang negosyanteng si Christophe Bariou.