Usap-usapan ngayon ang pagpalag ng bokalista ng Itchyworms at isa sa mga hosts ng 'It's Showtime' na si Jugs Jugueta matapos akusahan ng showbiz columnist na si Lolit Solis si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda, na siya umanong nasusunod sa naturang programa.

Ayon sa kaniyang Instagram post, nabalitaan umano niya na nagpa-power tripping umano ang comedian-host at parang siya na umano ang nasusunod sa pagpapatakbo ng programa.

Vice Ganda (Larawan mula sa IG/Lolit Solis

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Medyo alarming Salve iyon mga balita na nagpa-power tripping si Vice Ganda. Balita na parang siya na ang nagpapatakbo ng Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galawan ng programa. Marami pang horror story na kumakalat sa pagbabago daw ng ugali ni Vice Ganda, at parang marami na rin mga tao ang nasasaktan sa mga ginagawa daw nito," aniya.

Binigyan naman ng benefit of the doubt ni Lolit si Vice na baka overworked o pressured lamang daw umano ito.

"Well, baka naman dahil na rin overworked at pressured si Vice Ganda kaya kung minsan medyo off ang mga ginagawa niya, pero sana maayos niya ito bago maging huli ang lahat. Paano ka magiging kampante sa comedy kung marami tao ang inis o galit sa iyo."

"Siyempre affected din ang performance mo. Para tumagal kayo ng gaya ng Eat Bulaga, dapat very family ang samahan n'yo. Lahat masaya, lahat comfortable, walang may tampo. Dapat sincere ang samahan, walang mataas o mababa. Yuon team playing importante, may malasakit kayo sa isa’t isa."

"Sana nga hindi totoo ang mga kumakalat na balita. Sayang kung ito ang magiging dahilan ng pagbabago ng kapalaran ni Vice Ganda. Ayusin agad. #classiclolita #takeitperminutemeganun #74naako."

Agad na nagkomento naman dito ang kasamahang host ni Vice na si Jugs.

"Hanap po kayo ng bago ninyong source na Maritess, Tita… MASAYANG-MASAYA PO KAMI SA SHOWTIME NGAYON!!!!" ayon sa komento ni Jugs.

"Peace be with you and happy new year!"

Screengrab mula sa IG/Lolit Solis

Jugs Jugueta - God bless the Philippines. ?? . @amazingplayground13 |  Facebook
Jugs Jugueta (Larawan mula sa FB

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Goooooo kuyaaa hindi yata sila nanonood nang ST na biruan lang kapag live na syempre noontime show 'yun kaya nagpapatawa kayo 'di ba para sumaya ang nanonood kagaya nang mga bardagulan moments n'yo. SA MGA ALING MARITES MANOOD KAYO ALAM N'YO NAMN SIGURO ANG SALITANG 'KOMEDYANTE' 'DI BA?"

"Thank you kuys for defending meme! She doesn’t deserve all the negative judgments. As an avid viewer of Showtime I’m glad that the show is BACK and striving."

"Lolit Solis has been in this Industry longer than you thought. Hindi siya magtatagal nang ganito kung may inaapakan siyang tao. At tingin mo sasabihin niya 'yun out of nowhere without context or evidence!? Bakit ikaw lang ang dumedepensa kay Vice?? Noon pa man marami ng issue kay Vice. Pagpapahiya sa contestant at mga below the belt joke niya. Tip ko sa'yo Jugs tumugtog ka na lang at kumanta."

"Walang masama sa sinabi ni Lolit. Binigyan pa nga niya ng advice sa huli. There’s no malice on her statement. At tama rin siya most of noontime show sa ABS walang tumagal katulad ng Eat Bulaga."

"Lagi ako nanonood kaso lately parang disrespectful na rin siya lalo na kay Ogie (Alcasid). Instead na uplift niya lalong dina-down. Kami bilang viewers parang may mali tlaga. Although I love Showtime kaso iyon ang pansin ko lately."

"This is a very cautious article. Well written and not offensive but only suggestive. Ganito na lang dapat parati manay."

Samantala, wala pang tugon dito si Vice Ganda.