Hindi pa rin sapat ang lakas ng seven-foot-two na Pinoy na si Kai Sotto upang kargahin ang kanyang koponan matapos silang pataubin ng Melbourne United, 97-78 sa Adelaide Entertainment Centre nitong Sabado.

Kumana si Sotto ng anim na puntos, dagdag pa ang walong rebounds at 1 steal, dahil sa pagkawala ng injured na kakamping si Isaac Humpries.

Gayunman, nabale-wala lamang ang pagsisikap ng nabanggit na Pinoy player nang padapain sila ng Melbourne, ang nangungunang koponan sa liga.

Naiuwi ng Melbourne ang ikapitong panalo habang nakatikim naman ng ikaapat na pagkatalo ang Adelaide sa pitong laro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matatandaang umiskor lamang si Sotto ng isang puntos, 3 rebounds, 2 assists at dalawang blocks sa kanyang debut nitong nakaraang Disyembre.