Isa sa mga hot topic na pinag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ang trending na TikTok video ni Joshua Garcia, na wala pang isang araw nang ma-upload, ay pumalo na kaagad sa milyon ang views at talaga namang pinag-usapan online!

Joshua Garcia, Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh (Larawan mula sa YT/Showbiz Update)

'Super daks moves' daw ang tawag dito ng mga netizen, lalo't sa pangatlong video niya ay may 'pakaldag' at labas-dila na siya. Nabanggit kasi ni Ogie na 'super daks' daw itong si Joshua na pa-misteryoso rin sa social media kaya naman haling na haling ang mga netizen sa kaniya.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/20/joshua-garcia-muling-nagpakilig-sa-pinakabagong-tiktok-video/

“Nakakaloka si Joshua, nakaka-tatlong video palang tapos 27M na itong views for that video alone, ha?" pahayag ni Ogie.

Sey naman ng co-host na si Mama Loii, "Hay naku… nakaka-Ella May Saison ha, hahaha."

Si Ella May Saison ay isang mahusay na singer na sa beki language ay nangangahulugang 'nakakaelya'.

"Di ba? Parang pinatunayan nga ni Joshua kasi nga na daks siya… kasi nga pinupuna si Joshua kunwari mag-ASAP ‘yan merong sisita sa kanya na, ‘Josh paayos ‘yan kasi medyo mali ang side," saad ni Ogie na tumutukoy sa 'pabakat' minsan ni Joshua na hindi naman sinasadya. Nagpakita pa sila ng 'resibo' na magpapakita nito.

Hindi naman daw conscious si Joshua rito; sa halip ay proud pa raw.

"Akala ko nga sa video na ‘yun kasi di ba naka-jogger siya ng gray akala ko aangat, eh, inaabangan ko, eh. Ay inaabangan ko, hahaha,” saad pa ni Mama Loi.

Naikuwento pa ni Ogie ang tungkol sa insidente kung saan magkasama sa isang hotel room sina Joshua at kapwa Kapamilya actor na si JM De Guzman.

"Tapos ipinaling ni JM ‘yung kaniyang camera kay Joshua (na nakasuot lang ng bathrobe) na naka-ganoon sa sobra tapos hawak-hawak niya ‘yung kanyang Junjun tapos ito ay dinelete ni JM.”

Ngunit marami na raw ang nakapag-save nito kahit burado na.

Sa ginagawa raw ngayon ni Ogie na madalang mag-upload ng TikTok videos subalit hit na hit naman sa mga netizen, mas tumataas daw ang kuryosidad ng mga tao kay Joshua.

Marami na nga aniya ang 'nabuntis' dahil sa videos niya.

"Nakakaloka, pag ganyan lalong pinatataas ni Joshua ‘yung kanyang mystery at tama ‘yun!" sa palagay naman ni Ogie.