Diretsahang inamin ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia na nagkakausap sila via phone calls ng aktres at Youtube star na si Ivana Alawi. Nang tanungin kung jojowaan ba o totropahin niya ang social media star, isang siguradong sagot at latag ng mga rason ang ibinigay ng aktor.

Ito ang juicy na usapan sa unang bahagi ng “Truth or Dare: A Benefit Interactive Show” ng Tulong sa Pag-ahon program ng ABS-CBN para pa rin sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Unang sumalang si Joshua Garcia na agad na-hot seat nang tanungin kung sino sa mga Kapamilya artists ang nais niyang makapalitan ng texts.

“Wala kasi ka-text ko na,” nakangiting sabi ni Joshua.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“’Di kami nag-text nang matagal, mas tawag,” dagdag ng aktor.

“Pero walang malisya," biglang kambyo niya.

Sunod na ipinaliwanag ni Joshua kung paano nito nakuha ang number ni Ivana.

Nakaraang buwan ay nakatakda sanang gumawa ng content sa Youtube ang dalawa ngunit nakansela lang ito.

“Supposedly dapat gagawa kami ng content sa Youtube, yun yung napag-usapan. Tapos sabi ko wala ako palagi sa Instagram so sabi ko baka pwede send mo sa akin ang number mo,” ani Joshua.

“Tapos dun na, tinawagan ko siya. Yun na. Pero di naman natuloy ang content kasi nagkaroon siya ng problema,” patuloy na pagbabahagi ni Joshua.

Nang tanungin kung jojowaan o totropahin ba nito si Ivana, amy kumpiyansa at siguradong sagot agad ito.

“Syempre jojowain. I mean common, choosy ka pa ba? I mean mabait, maganda, sexy—lahat sinabi na,” nakangiting sagot ni Joshua.

Tila makahulugan naman ang sunod na sinabi nito.

“Pero hindi kasi lahat ng tao meant para maging magkarelasyon. Alam mo yun, may parang nakatadhana sa’yo na parang mame-meet mo lang para maging kaibigan mo kasi ‘di mo masasabi. Yun yung sa akin. Yun lang naman yung sa akin,” sabi ni Joshua.

Si Julia Baretto ang huling naisapublikong nakarelasyon ng aktor.