Tila resolusyon ng multimedia artist na si Nadine Lustre ngayong 2022 ang dagdagan ang kaniyang kasalukuyang mga tattoo. Sa isang Facebook post nitong Huwebes, makikita ang aktres na suot ang malaking dragon tattoo sa likod ng kaniyang kanang braso.

Ibinahagi ni Beth Barocaboc-Linga, ang misis ng tattoo artist ni Nadine na si Bowie Linga ang mga larawan nitong Huwebes sa Facebook.

Ito na ang pinakamalaking tattoo na suot ng aktres.

Maliban dito, makikita rin sa kaniyang kaliwang pulso ang rosas, na noo’y naiulat na alay ng aktres sa yumaong kapatid na si Isaiah. Sa kaniyang kanang pulso naman makikita ang crescent moon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa bahagi rin ng kaniyang kanang braso makikita ang mga salitang “nakayapak at nahihiwagaan” na hango sa kantang “Tadhana” ng Up Dharma Down, isa sa mga paboritong kanta ni Nadine.

Noong 2020, naipinta rin sa katawan ng aktres ang lotus flower sa kaniyang kanang braso. Makikita rin ang ilang foreign characters na nakaukit sa aktres sa kaliwang braso naman nito.

Si Nadine ay kilalang multi-awarded actress at recording artist sa Pilipinas.