Simula nang maging viral at talaga namang pinag-usapan ang unang TikTok video ni Joshua Garcia na humakot ng milyong-milyong views, lagi nang inaabangan ng mga netizen ang mga bagong uploads niya.

Matatandaang ang unang 'pa-cute' video ng Kapamilya actor noong Disyembre 20, 2021 na kauna-unahang entry niya sa TikTok ay halos kabaliwan ng mga netizen, na ginaya pa ng iba't ibang mga tao at personalidad. Sinayaw niya ang 'Ginseng Strip 2002' ni Yung Lean. Habang isinusulat ito, nasa 93.3M na ang kabuuang views nito, may 8.1M likes, at 169.9K comments.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/22/tiktok-video-ni-joshua-garcia-kinakiligan-pinagsamang-alden-at-jlc/

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Screengrab mula sa TikTok/Joshua Garcia

Ang pangalawa naman niyang TikTok video noong Bagong Taon ay humakot na ng 44M views, 5.7M likes, at 178.6K comments kung saan sinayaw niya ang 'Seeing Triple Edit'.

Screengrab mula sa TikTok/Joshua Garcia

At ang latest naman niya ay nitong Enero 19 sa saliw ng 'Lollipop' ni Lil Wayne. Sa isang araw pa lamang ay may 25.5M views na kaagad ito, 3.8M likes, at 166.7K comments.

Screengrab mula sa TikTok/Joshua Garcia

"Hirap, step 1 pa lang kelangan pogi na agad."

"Pag may new upload talaga toh yanig Yung TikTok world eh."

"Di pa ko nakakamove on doon sa isa meron na naman omg more pa!!"

"Grabe may bago na naman. Pogi naman. Please notice."

Muli na namang umaariba ang showbiz career ni Joshua. Mula 2020 hanggang kalagitnaan kasi ng 2021 ay medyo nanahimik siya, ngunit nitong Nobyembre ay muli na siyang nasilayan sa teleseryeng 'Viral Scandal' na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa mga online platforms ng Kapamilya Network, A2Z, at TV5.

Siya rin ang leading man ni Jane De Leon sa upcoming fantasy-action-drama series na 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series'.