Binira ni Senator Imee Marcos ang Department of Agriculture (DA) dahil sa pamemeke umano ng ulat na kapos ang suplay ng isda sa bansa upang mabigyang-katwiran ang pag-aangkat ng 60,000 metric tons (MT) na isda para sa unang tatlong buwan ng 2022.
"May sapat na supply tayo ng isda mula sa mga hindi pa naibentangnaka-imbak noong 2021 at nakatakdang i-deliver hanggang Marso. Bukoddyan, matatapos na rin naman ang closed fishing season," paliwanag ng senador.
Una nang ikinatwiran ni DA Secretary William Dar na pininsala ng bagyong Odette ang sektorng pangisda noong nakaraang Disyembre kaya inihirit ang importasyon nggalunggong, sardinas at mackerel habang umiiral ang taunang fishingban mula Nobyembre hanggang Pebrero.
Gayunman, sa datos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-FisheriesInspection and Quarantine Division nitong Enero 12, lumitawna tanging 14,349 MT ng isda ang nabenta sa merkado, mula sa 60,000 MTna inilaan sa 25 mga importer na nag-aply para sa 48,985 MT.
Halos 35,000 MT ng mga isda na naka-imbak o paparating pang shipmentang magiging available, bukod pa sa 11,015 MT na bukas pa para sa mgaaplikanteng importer," banggit ni Marcos.
Binale-wala umano ng DA ang nagkakaisang rekomendasyon ngNational Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC)na wala namang pangangailangan para mag-isyu ng certificate ofnecessity to import sa unang quarter ng 2022, ayon na rin saResolution No. 3, Series 2022 ng nasabing konseho.
Leonel Abasola