Makabagbag-damdamin ang naging open letter ng character actor na si Benj Manalo, anak ng komedyanteng si Jose Manalo, para sa kanilang yumaong inang si Anna Lyn Manalo, na naihatid na sa huling hantungan sa pamamagitan ng cremation.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/16/pumanaw-na-estranged-wife-ni-jose-manalo-naihatid-na-sa-huling-hantungan/

"Dear Mommy," panimula ni Benj sa kaniyang social media post.

"Thank you for everything, thank you for all the life lessons you’ve shown us, this week was a rollercoaster ride but it ended up in full restoration. Love, hope, peace, joy, sadness and family… These are the things/knowledge that you left us and will forever be treasured in our heart."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"You are a testimony to us. A testimony of God's love to His children. We are saddened that you have to go through all of those. But we are happy that you are now in His kingdom. You may sing and dance now and enjoy eternal life with God. You will be missed by your children, your sisters and everyone who loves you."

"Thank you to all the friends and family who sent their deepest condolences to our family, we really appreciate you all."

"Thank you for leading this family. I love you so much mommy. We love you."

"Rest now mom."

Benj Manalo (Screengrab mula sa IG/Benj Manalo)

Nagbigay rin ng madamdaming mensahe ang manugang ni Anna Lyn na si Lovely Abella, misis ni Benj.

"Rest in Peace Mommy. Hindi man tayo nagkakwentuhan nang matagal, di man tayo nagkasama, pero ang isang mapapangako ko ay di ko pababayaan ang anak mo at mga kapatid ko na rin."

"Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nila kaya masakit din sa akin na sobra silang nasasaktan. Wag kang mag-alala hanggang sa huli di ka namin kakalimutan."

Humanga naman si Lovely sa ipinakitang kabutihan ng mister na si Benj.

"Mahal @benj pinahanga mo ako, pinahanga mo ako kung gaano kabuti ang Puso mo. Salamat Lord at pinaliwanagan mo ang isip ng asawa ko, mas nakita mo ang dahilan kung bakit tough love sa'yo si Mommy, nakita mo na ang resulta ng lahat na ikinakaganda ng buhay mo ngayon."

"Forever ka naming mamimiss…" saad pa ni Lovely.

Benj Manalo (Screengrab mula sa IG/Lovely Abella)

Nagbigay rin ng mensahe ang kapatid ni Benj na si Myki. Kalakip nito ang litrato nilang magkakapatid habang nasa harapan ng kabaong ng kanilang pumanaw na ina.

Screengrab mula sa FB/Myki Manalo

May be an image of 5 people, people standing and indoor
Screengrab mula sa FB/Myki Manalo

"Mommy gave birth to us five. I’d like to believe that her biggest legacy and the most treasured gift she will leave us here on Earth is the gift of love we have for each other. Thank you for teaching us how to love - specifically by loving us all beyond words, by loving us unconditionally until your last breath."

"You dedicated your life to us. We will take care of each other from here on. Don’t worry about us, Mommy. We will all make you proud. Run free and rest well. I love you so much. We love you very much."

Screengrab mula sa FB/Myki Manalo

Ipinakita rin niya ang video ng pagpapalipad nila ng mga puting lobo sa himpapawid bilang simbolo ng paglalayad ng kaluluwa ng kanilang ina patungo sa kabilang buhay.

"Such a beautiful day to bring your Earthly body to rest. Watch over us from the top of the world, Mommy! We love you very much!"