Mapapa-sana all ka na lang talaga sa mag-asawang Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman dahil going stronger pa rin ang kanilang samahan bilang couple, batay sa kanilang mga Instagram posts.

Noong January 1 ay binati ng 'Happy Anniversary' ni Marco ang kaniyang misis na beauty queen. Naniniwala umano si Marco sa konsepto ng 'Submit yourself to your wives and you will have a happy marriage.'

"Bago matapos ang araw na ito, I wanna greet my gorgeous wife happy anniversary. Maraming salamat for loving us unconditionally. You are the perfect wife and mother… I'm not perfect but Iahat ng sweldo ko sa 'yo 100%. Mahal na mahal kita," nakasaad sa caption ng IG post ni Marco.

Isa pa sa mga tips ni Marco ay tungkol sa kanilang finances. Hangga't maaari daw ay iwasan ang pag-aaway sa pera.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

"Malalaman mo na masaya ang pagsasama n'yong mag-asawa kung may respeto, tiwala at hindi pinag-aawayan ang pera. Kaya pag pera ni Mrs., pera n'ya 'yun at kapag pera ni Mr., pera pa rin ni Mrs. 'yun. Tama ba ako?" sabi ni Marco.

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi ni Marco na binilhan niya ng massage chair ang misis dahil mahilig itong magpamasahe. Kapag siya raw kasi ang nagmamasahe rito, hindi raw natatapos at kung saan-saan daw nauuwi ang kanilang massage session.

"Dahil mahilig si Lara magpamasahe, binigyan ko siya ng @ogawa_ph chair #SmartReluxe. Pag ako kasi nagmamasahe sa kaniya hindi natatapos… kung saan-saan napupunta."

Kaya payo niya, "Lagi n'yo dapat alagaan mga asawa n'yo… bigyan n'yo sila ng me time… para maalagaan tayo at ang mga anak natin nang mabuti."

At sa latest Ig post ni Marco, ibinida niyang tama ang kaniyang desisyon na mahalin at pakasalan si Lara. Binago raw siya ng misis in a right way.

"Isang tamang decision, pwedeng magbago ang buhay mo at maging tama ang lahat na nagawa mong mali. Alam ko na totoo ito dahil oong nag-decision ako na mahalin si @laraquigaman nagbago ang buhay ko in a right way."

"Ngayon bagong taon may chance tayo na magbago for the better."

Marco at Lara Quigaman-Alcaraz (Larawan mula sa IG)

Kaya naman, mukhang masayang-masaya si Lara at blooming dahil sa paraan ng pag-aalaga sa kaniya ni Marco.

Si Lara ay pinarangalan ng 'Order of Lakandula' at kinoronahan bilang Miss International 2005 hanggang sa pasukin na rin ang pag-aartista. Si Marco naman ay isa nang ganap na artista noon. Nagkakilala raw sila dahil sa kaibigang aktres na si Valerie Concepcion.

Ikinasal sina Marco at Lara noong 2011 sa Vancouver, Canada sa isang civil ceremony, at noong 2012, muli silang nagpakasal sa pamamagitan naman ng Christian wedding.

Sa ngayon ay tatlo na ang mga anak nila: sina Noah, Tobias, at Moses.