Mukhang hindi pa tapos si Korina Sanchez-Roxas sa panununog sa mga bayarang trolls dahil nagbanta na siyang gagawa ng mga legal na aksyon laban sa mga ito, at tutulungan ang mga naging biktimang gaya niya.

Sa kaniyang latest Instagram post, hinikayat ni Koring ang mga gaya niyang biktima ng mga bayarang trolls na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa kaniya, upang 'tapusin' na sila.

Screengrab mula sa IG/Korina Sanchez-Roxas

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"ARE YOU ALSO A VICTIM OF TROLLS? When I googled “memes of trolls” this image came out. Parang akma?" saad ni Korina sa kaniyang Instagram post noong Enero 18.

"You know: yung pina-project ka para i-harrass---kasi, well, bayad sila. Their parents must be very proud of them na ang income nila is to inflict lies and misery on other innocent people. Poor parents who put them through school. And these kids get hired by crooks who are just… EVIL, I guess."

"Trolls are usually hired and orchestrated by people who don't have the guts to just confront you and tell you what they think, to your face. Or malaki ang kontrata para manira. Or baka kasi super inggit lang. Or bored sila and unhappy. Or obsessed with a person or an idea."

"Pathetic, really. Imbes na ayusin nalang nila ang sarili nilang buhay. Ang ganda pa naman ng buhay sana. I guess hanggang doon na lang sila? I hope not. I still believe in the good in people. But I've lived long enough to know some people are just… INSANE."

Hinikayat niya ang mga netizen, na kung biktima sila ng trolls, agad na mag-email sa kaniya upang maibigay ang nararapat na resbak sa kanila.

"If you’re a victim of online harassment by paid trolls, email me on [email protected] and I will give you the tips on how to put them in their place. There are administrative and legal remedies for this. Ipakulong natin sila. Hiyain muna natin nang todo bago pakulong. I'm in touch with the Senate about this currently. I'm on your side, being a victim myself. There’s a way."

"You can start by blocking all those who don't follow you and those who have just followed you. Anyway, let's chat in private. I can also advise you about the legal parameters. Let the devils stay in hell, right? Let’s put them back there. #TulunganTayo #DeathToTrolls God’s on our side on this one."

Matatandaang sinunog si Korina ng mga tinawag niyang 'bayarang trolls' sa kaniyang Instagram post na inamin niyang 'miscalculation of words' lamang.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/10/korina-kumambyo-inayos-ang-latest-ig-post-matapos-sunugin-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/01/10/korina-kumambyo-inayos-ang-latest-ig-post-matapos-sunugin-ng-mga-netizen/

Ilang araw, muli niyang binalikan ang kontrobersyal na IG post at hinanap ang mga bayarang trolls kung nasaan na sila.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/16/korina-binalikan-ang-nabash-na-ig-post-hinanap-ang-mga-trolls-na-bayaran/">https://balita.net.ph/2022/01/16/korina-binalikan-ang-nabash-na-ig-post-hinanap-ang-mga-trolls-na-bayaran/