Ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Nadine Lustre sa mga 'mahaderang' bashers na tagahanga umano ni James Reid, na nagsasabing baka raw hiniwalayan ni James si Nadz ay dahil sa 'baskil' o basang kilikili nito.

Kamakailan lamang ay inamin mismo ni Nadine na sobra kung magpawis ang kaniyang kilikili, kaya minsan ay naka-itim o puti siyang damit upang hindi ito bumakat.

Kung dati ay sinita ni Cristy ang paraan ng pananamit ni Nadine, ngayon ay ipinagtanggol naman niya ito mula sa mga bashers.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/30/cristy-kay-nadine-kaugnay-ng-body-shaming-para-hindi-ka-naba-bash-magtapi-ka-di-ba/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Sabi lang naman ng isang – hindi naman basher na matatawag 'yun – netizen eh. Sabi: ‘Nadine, napapansin na tumataba ka na naman, di ba? Ingat-ingat.’ Anong masama doon? Eh ikaw, hitad ka, ayaw mong magdamit, 'di ba? Pasyow ka nang pasyow kahit saan, kahit bibili ka lang ng sarsa ng lechon, naka-ano ka lang, kitang-kita buong katawan mo."

"Para hindi ka naba-bash, magtapi ka, 'di ba? Ang dami-dami namang paraan, 'di ba? Ang dami-dami namang binebentang mga pandong doon, di ba? Itapi mo, magtapi ka, itago mo yung katawan mo nang hindi ka naba-bash. Eh anong inaasahan mo pag ganyan ang ipinapakita mo – buong katawan mo?” matapang na pahayag noon ng kolumnista.

Ayon naman kay Cristy sa January 18 episode ng kaniyang radio program na 'Cristy Ferminute' kasama ni Romel Chika, talagang binabantayan ng mga personalidad na kagaya ni Nadine ang mga ganitong sitwasyon, dahil kahit daw napakaganda na o talentado ng isang artista, kung sumablay sa pagkakaroon ng baskil, ay katakot-takot na pang-ookray ang mangyayari mula sa mga netizen, lalo pa naman sa panahon ngayon na laganap ang bashing sa social media.

Cristy Fermin, Romel Chika at Nadine Lustre (Screengrab mula sa YT)

Palagay ni Cristy, kaya siguro laging naka-sleeveless umano ang Viva actress-singer ay dahil sa problema niya sa pamamasa ng kaniyang kilikili.

May mga mahaderang tagahanga umano ni James ang nagsasabi na baka raw kaya iniwan ng heartthrob si nadine ay dahil sa baskil nito.

"Binato kaagad ng paninisi si Nadine, siguro 'yang pamamawis ng kilikili mo ang dahilan kung bakit ka iniwan ni James Reid. Ganon!" pahayag ni Cristy.

"Ang tagal nilang magkarelasyon… ibig sabihin, hindi nakita ni James na namamasa-masa ang kilikili ni Nadine? Magtingil nga 'yang mga 'yan," basag ni Cristy sa mga bashers ni Nadine.

Sey naman ni Romel Chika, parang ang babaw naman daw na dahilan para sabihing naghiwalay ang dalawa dahil lamang sa pamamawis ng kilikili ni Nadine.

"Hay naku Romel sinabi mo pa! Kapag mahal mo ang tao, kahit nagpuputik pa, kahit nagpuputik pa ang kilikili, go lang nang go 'di ba. Ano 'to, nang dahil lang sa pamamasa ng kilikili, isusuko mo na ang pagmamahal mo? Bakit, hindi ba puso ang nagdidikta ng pagmamahal? Ano ang kinalaman ng kilikili, 'di ba?" dagdag pa ni Cristy.

"Kaya huwag n'yo pong lait-laitin si Nadine. Nasa tama po siya."

Nanawagan naman si Cristy sa mga artistang may 'mababantot na paa' na magpakonsulta rin sa mga espesyalista upang malunasan ito.