Nais ni 1PACMAN Partylist Rep. Eric Pineda na isaalang-alang ng gobyerno ang paglalapat ng patakarang “no force, no discrimination” ng Japan sa pagtitiyak na alam ng publiko ang positibong epekto at potensyal na panganib sa pagkuha ng bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang panukala ni Pineda sa gitna ng pagpapataw ng administrasyong Duterte ng mahigpit na mga hakbang upang matiyak na mayorya sa mga Pilipino ay mabakunahan laban sa COVID-19.

Sa kabila ng hindi paggamit ng mahigpit na mga hakbang upang pilitin ang pagbabakuna, nakamit pa rin ng Japan ang herd immunity, kung saan higit sa 70 porsiyento ng tinatayang populasyon nito na 126 milyon ay tumanggap na ng dalawang dosis ng bakuna.

National

Alice Guo, 'walang karapatang' tumakbo sa 2025 elections – Remulla

1PACMAN Partylist Rep. Eric Pineda

Umabot na sa halos 202 milyon ang bilang ng mga bakunado noong Enero 13, ayon sa gobyerno ng Japan.

“It would be great for the Philippines to implement Japan’s vaccine policies, as these policies are well studied and I believe that it would be beneficial for all,” sabi ng House Committee on Labor chairman.

“Japan’s Health Ministry has acknowledged the increasing rate of heart inflammation in vaccinated people in Japan. Their Health Ministry has listed inflammation of the heart muscle and of the outer lining of the heart in younger males as possible serious side effects of the Moderna and Pfizer COVID vaccines, after conducting a study finding the side effect present in several younger males,” paliwanag nito.

“Due to this, it is now insisted that vaccines have warning documents attached to warn of these potential dangerous side effects,” dagdag niya.

Binanggit ni Pineda na dahil sa mga potensyal na masamang epekto ng mga bakuna sa COVID-19 sa kalusugan ng isang tao, kinakailangan na ang mga nagnanais magpabakuna ay magkaroon ng "informed consent" bago tumanggap ng bakuna kagaya ng ginawa sa bansang Japan.

Dagdag pa, mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ng Japan ang diskriminasyon laban sa mga hindi bakunadong indibidwal.

“What Japan is doing is very good, I hope that more countries will follow suit. So much discrimination has been experienced by our people who choose to hold off on receiving the vaccine – with the “no jab, no job” policies contained in IATF’s Resolutions,” sabi ni Pineda.

“It’s high time we take steps to ensure that all citizens have “informed consent” prior to being vaccinated without fear of discrimination should they choose not to be vaccinated.”

Ben Rosario