Kinatuwaan ng mga netizen ang throwback photo ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang Instagram account nitong Enero 18, kung saan makikita ang 'younger self' kasama ang baby pang si KC Concepcion, na anak nila ng dating mister na si Gabby Concepcion.

"Mama and baby KC," caption ni Shawie sa kaniyang Instagram post.

Sharon Cuneta at KC Concepcion (Screengrab mula sa IG)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Agad naman itong pinusuan ng mga netizen, at isa sa mga sikat na news anchors ng ABS-CBN na si Karen Davila ang napakomento ng 'Wow!' sa litrato.

Isang netizen naman ang nagkomento na noong kabataan nila, si Sharon daw ang sukatan o pamantayan ng kagandahan noon.

"Share ko lang: When I was in high school, ang naging sukatan ng beauty noon ay beauty ni Sharon. Kapag may bagong transferee sa aming school ganito ang usapan: 'Hoy ang ganda ng transferee, kamukha ni Sharon Cuneta'," aniya.

Na sinegundahan naman ng iba pang mga netizen.

"Siya ang crush ng bayan noong teens siya, maganda talaga siya."

"That's so true. I remember noong high school kami na may bagong transferee. Sobrang popular niya kasi kahawig ni Sharon."

"Walang kupas ang kagandahan mo po idol, sana po mapansin ninyo ako."

"Maganda pa sa morning! Payat days pa 'yan… we love you Mega!"

Samantala, isang netizen naman ang nagsabing kahawig ni Mega noong kabataan niya si Kapamilya star Kathryn Bernardo.

Kathryn Bernardo delights fans with first up-close selfie at 25! – Manila  Bulletin
Kathryn Bernardo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Kathryn Bernardo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

"Parang si Kathryn Bernardo beauty ni Ms. Sharon noong bata pa, beautiful then and now," sey ng netizen.

Well, kaya rin siguro sila ang naging mag-ina sa pelikulang 'Three Words to Forever' noong 2018 sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, dahil may resemblance sina Shawie at Kath, na parehong nagtataglay ng simple ngunit klasikong kagandahan.

undefined
Liza Lorena, Sharon Cuneta, Kathryn Bernardo, Richard gomez, at Freddie Webb (Larawan mula sa YT)