Hangad daw ng showbiz columnist na si Ogie Diaz na magkaayos na ang sigalot sa pagitan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz, dahil umano sa isyu ng selosan.

Aniya, lahat naman daw ng mga sikat na tambalan noon ay nagkaroon din ng bangayan subalit sa pagdaan ng panahon ay naayos naman daw. Normal lang daw na pagdaanan ang mga ganitong ganap. Sa ngayon daw, ang naiipit sa gitna ay si Seth Fedelin.

Anyway, pabirong sinabi ni Ogie na kapag ang lalaki raw ay pinag-aagawan ng dalawang babae, 'daks' daw ang peg nito. Nawindang naman ang mga co-hosts niya na sina Mama Loi at Tita Jegs.

"Totoo ba?" tanong ni Mama Loi.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Na ano?" balik-tanong ni Ogie.

"Na daks si Seth?"

"Para namang natira na ako ni Seth," pabirong sabi ni Ogie.

Hirit naman ni Tita Jegs, "Baka naman ay alam ang mga source mo d'yan ha?"

Maya-maya, sabi ni Ogie, may nagchika raw sa kaniya na 'daks' daw si Seth, palibhasa ay may lahing Kano raw ito mula sa kaniyang mother side.

"Paano na-confirm?" tawang-tawang tanong ni Mama Loi. Sa puntong ito ay hindi na dinetalye ni Ogie kung paano ito nakumpirma.

Nabanggit din ni Ogie ang chika ng 'suguran' sa dressing room ng dalawang Kapamilya teen star, ngunit hindi niya kinumpirma kung true ba ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/17/kaloka-andrea-sinugod-nga-ba-si-francine-sa-dressing-room-dahil-kay-seth/

'Yun na!