Nagbunyi ang mga 'Kakampinks' nang muling ipakita ng Viva actress-singer na si Nadine Lustre ang kaniyang pagsuporta sa tandem nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate Senator Kiko Pangilinan, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story nitong Enero 18, 2022.

Makikita sa kaniyang Instagram story ang isang litrato kung saan makikita ang tila mural painting ng mukha ng Leni-Kiko tandem sa isang bahagi ng gusali, na nakatindig sa isang hindi natukoy na lugar. Sa ibaba nito, makikita pa ang iba pang campaign materials para sa kanilang tandem.

Screengrab mula sa IG/Nadine Lustre

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang hayagang sinabi ni Nadine na sinusuportahan niya ang tandem nina VP Leni at Senator Kiko para sa halalan 2022.

As of this writing ay trending si Nadine Lustre sa Twitter.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen:

"Nadine Lustre is currently trending after showing support for VP Leni Robredo’s presidential candidacy!"

"Nadine Lustre, sending out a pink heart for all the kakampinks out there. QUEEN. #LetLeniKikoLead2022."

"Stan the kweeen!"

"President Nadine Lustre has spoken. She is a certified Kakampink. Thank you for your support, @hello_nadine!"

"A Queen for A Queen. Nadine Lustre using her platform. Even the smallest way helps."

Samantala, umani rin ito ng batikos mula sa mga netizen na sumusuporta sa ibang partido.

"Luh? May nagkakalat na naman pong starlet na palaos na!"

"Canceled! Okay next!"

"Naku dear, may pelikula ka pa naman… gusto mong langawin?"

"From our DENR Secretary (kuno) Nadine Lustre. Clap! Clap! Clap! Dahil diyan, lalong hindi ko iboboto 'yan!"