Itinanggi mismo ng talent manager ni Francine Diaz na si John Ling ang mga espekulasyong kumakalat na nililigawan na umano ni Seth Fedelin ang alaga niyang si Francine.

Matatandaang nag-ugat ang isyung ito nang mag-post sa Facebook ang madir ni Francine na si Merdick Diaz noong Enero 12, kung saan makikita na nasa bahay umano nila si Seth, at may caption pa ito na 'Family is love'. Agad na naging trending sa social media platforms ang chismis na nagkakaigihan na raw sina Francine at Seth, at selos to the max naman ang katambal ni Seth na si Andrea Brillantes.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/13/andrea-brillantes-at-francine-diaz-nag-unfollow-sa-isat-isa-dahil-kay-seth-fedelin/">https://balita.net.ph/2022/01/13/andrea-brillantes-at-francine-diaz-nag-unfollow-sa-isat-isa-dahil-kay-seth-fedelin/

Dahil dito, inunfollow umano ni Andrea si Francine sa IG at TikTok, at kaniya-kaniyang hula naman ang mga netizen sa kaniyang pinagdaraanan, dahil sa kaniyang mga cryptic post.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Nabuking pa ni Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel na 'Showbiz Update' na matagal na umano ang hindi pagkakaunawaan nina Andrea at Francine dahil kay Seth. Ang umiikot kasi na chismis (na hindi pa kumpirmado), ang talagang bet ni Seth ay si Francine, ngunit dahil nga gino-groom ng ABS-CBN ang tambalang SethDrea, tila ayaw umano ni Blythe (Andrea Brillantes) na maapektuhan ito kung mababalitang si Seth umano ang bet ni Francine.

Ito raw umano ang dahilan kung bakit nagpunta si Seth sa bahay nina Francine: para humingi ng tawad sa ginawa ni Andrea sa kaniya. Sadly, ang kanilang litrato ang pinutakti ng mga netizen kaya lumitaw ang isyung nagkakamabutihan na talaga sina Francine at Seth, at posibleng mabuwag ang SethDrea at mapalitan ng FranSeth, na ipinagngingitngit naman ng mga tagahanga.

At may nangyari pa raw na 'suguran' sa dressing room dahil sa selos, sa kasagsagan ng ABS-CBN Christmas Special na umere nang live noong Disyembre 18.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/17/kaloka-andrea-sinugod-nga-ba-si-francine-sa-dressing-room-dahil-kay-seth/

Anyway, may nagtanong na nga kay John Ling kung ano ba talaga ang real score sa pagitan ng alaga niya at kay Seth.

"Ano po masasabi n'yo sa issue? Boyfriend po ba talaga niya si Seth?" tanong ng isang netizen.

Sagot ng talent manager: "Hindi… that's the truth 100%."

Isa pang netizen ang nagtanong: "Nanliligaw po ba si Seth kay Chin (Francine Diaz)?"

"Nope… that's the truth 100%," sabi nito.

Screengrab mula sa IG/John Ling

Screengrab mula sa IG/John Ling

Samantala, wala pang komento sina Andrea, Francine, o Seth hinggil sa isyu. Ayon kasi kay Ogie ay mukhang pinagbabawalan na umanong magsalita ang tatlong bagets tungkol dito.