Napapansin ng mga online 'Marites' and friends na matatapos na lang ang Enero 2022 ay wala pa ring kuhang litrato sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga na magkasama sila sa iisang lugar, o ni sweet comment o posts para sa isa't isa, waley rin.

Tanong ng bayan, hiwalay na nga ba sila?

Kumalat ang mga espekulasyong hiwalay na sila nang mapansin ng mga netizen na hindi sila magkasamang nagdiwang sa pagsalubong ng Bagong Taon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/barbie-may-ibinidang-bago-diego-nasaan-na/">https://balita.net.ph/2022/01/03/barbie-may-ibinidang-bago-diego-nasaan-na/

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Wala rin umanong sweet posts o greetings man lamang para sa isa't isa, hindi kagaya ng mga previous posts nila, na mahihiya na ang mga langgam sa ka-sweetan nila.

Kapansin-pansin din na naka-turn off ang comment section ng ilang mga IG posts ni Diego, simula noong Bagong Taon. Sa mga latest posts naman niya ay mukhang nasa Amerika si Diego para sa bakasyon. Wala ni isa man sa mga litrato o video na ibinabahagi niya ang magpapahiwatig na kasama niya ang nobya.

Screengrab mula sa IG/Diego Loyzaga

Screengrab mula sa IG/Diego Loyzaga

Screengrab mula sa IG/Diego Loyzaga

Samantala, sa IG posts naman ni Barbie, ang huling post na magkasama pa sila ni Diego sa litrato ay noong Disyembre 12, 2021 kung saan ipinagdiwang nila ang unang anibersaryo bilang mag-jowa.

Sinalubong niya ang Bagong Taon na may bagong hairstyle siya.

Kapansin-pansin din na wala man lang ni isang komento si Diego sa mga litrato ni Barbie kung saan gandang-ganda sa kaniya ang mga netizen at celebrity friends, lalo na sa kaniyang 'hip dips' photo.

Isa sa mga nagkomento sa kaniya roon ay si Momshie Karla Estrada, na kamakailan lamang ay tinag ni Xian Gaza at inurirat kung anong meron kina Daniel Padilla at Barbie Imperial, bagay na sinunog naman ng mga KathNiel fans.

Screengrab mula sa IG/Barbie Imperial

Screengrab mula sa IG/Barbie Imperial

Screengrab mula sa IG/Barbie Imperial

Narito ang ilan sa mga pag-uurirat ng mga netizen:

"Gandang di matinag-tinag… in fairness. Kumusta na po kayo ni Diego?"

"Hiwalay na po ba kayo ni Kuya Diego????"

"Bakit wala na kayong photos ni D together? Simula December pa, after ng 1st anniv n'yo, waley na…"

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa kung totoo ba ang espekulasyon ng mga netizen na wala na sila.