Pinalagan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang isang basher matapos siyang sabihan nitong “ambisyosa” at “di marunong umarte” sa isang Instagram comment nitong Lunes, Enero 17.

Sa isang Instagram post ni Rabiya, makikita siyang sumabak sa isang baking session sa isang kilalang historical landmark sa Baguio City.

Screengrab mula Instagram post ni Rabiya

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

“Minsan action star, minsan panadero. ✌️✨” caption ni Rabiya.

“Was privileged enough to see how to make the ever famous Raisin Bread ng Baguio Country Club. Even made a joke kay chef na patayo ako ng sarili kong bakeshop, kunin ko siya, ✌️” dagdag ng beauty-queen-turned-actress.

Ilang minuto lang matapos ibahagi ng beauty queen ang larawan, walang preno namang nagkomento ang isang Instagram account na may username na “medtechjeo.”

“Minsan beauty queen, minsan drama queen. Pero kadalasan ambisyosa, di naman marunong umarte, talunan pa sa MU [Miss Universe],” saad ng komento na may crying emoji pa.

Dahil dito, mahinanon at queenly pa ring sinagot ni Rabiya ang naturang basher.

“Di naman siguro masama mangarap, yung masama, [ang] magbaba ng kapwa. Medical professional ka 'di ba? Sana maging doctor ka gaya ng pangarap mo. Keep winning in life,” sabi ni Rabiya.

Screengrab mula Instagram post ni Rabiya

Hindi na makikita ang palitan ng komento at hinala ng netizens ay burado na rin ito.

Matatandaang umabot sa semifinals si Rabiya sa Miss Universe 2020 competition.

Nakatakda namang bumida ang beauty queen sa isang action series sa GMA ngayong taon -- ang Agimat ng Agila.