Sinita ni showbiz columnist at talent manager Ogie Diaz ang dating newscaster at talk show host na si Jay Sonza dahil umano sa pagpapakalat nito ng fake news.

Ito ay nag-ugat sa social media posts ni Sonza noong Enero 12 tungkol sa 'Angat Buhay' program ni Vice President Leni Robredo kung saan sinita niya ang pamimigay ng mga water filtration buckets sa pamamagitan ng Project H20 na naipamahagi ng OVP sa mga mamamayan ng Marawi City noong 2017.

"ANGAT BUHAY? I wonder if you have even drunk water from a PLASTIK NA TIMBA for a period of 1 year on a daily basis.

Umangat ba ang Buhay mo?" Tell us your story. Because if you have not, then shut up and mind your own account and post your thoughts on your own wall," ani Sonza.

Pag-aalaga ni Roxanne Guinoo sa amang may cellulitis, kinaantigan ng netizens

"My wall, my rules. Sigurado ako, you won't even dare do it (drink everyday from a plastic paIL) for a week. * I do not own this picture. It came from the campaign camp of Mrs. Robredo."

Screengrab mula sa FB/Jay Sonza

May be an image of 1 person and outdoors
Screengrab mula sa FB/Jay Sonza

Agad naman itong sinita ni Diaz at tinawag niyang wala sa hulog at tumatandang paurong si Sonza.

"Ano na nangyari kay Jay Sonza? Nakakalungkot. Wala na sa hulog. Tumatanda na ba siyang paurong?" saad niya sa kaniyang Twitter account noong Enero 15, 2022.

Screengrab mula sa Twitter/Ogie Diaz

Sa isa pang tweet, "Hindi naman siguro nagkulang ng aruga ang mga anak at apo ni Jay Sonza sa kanya, no? Masyado nang desperado ang lolo n'yo. Lagi na lang fake news. Kawawa naman."

Screengrab mula sa Twitter/Ogie Diaz

Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang 'Project H2O' hinggil sa sinasabi ni Sonza na plastik na timba ang mga naidonate ng OVP. Sinuportahan naman ito ng 'Mu Sigma Phi Fraternity.

"We, the brothers of the Mu Sigma Phi Fraternity, who handle Project H2O: Help To Others, are deeply concerned about the statements made by Mr. Jose Yumang "Jay" Sonza, regarding Project H2O."

"We would like to inform and reassure the general public that the water filtration buckets used in Project H20 are FOOD-GRADE, SAFE FOR USE and that NO TOXIC MATERIALS are included in their assembly."

May be an image of 2 people and text
Larawan mula sa FB/Project H20

May be an image of 4 people and text
Larawan mula sa FB/Project H20