Mukhang pumatok sa mga netizen ang 'parinigan' sa social media ng dating magkarelasyong sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich, dahil matapos ang kani-kanilang mga paandar sa social media ay naglabasan na ang iba't ibang memes ukol dito.

Nauna kasing pinag-usapan ang tila 'parinig' umano ni Alodia kay Wil matapos niyang mag-post sa FB ng kaniyang litrato, habang naka-cosplay sa karakter ni Leona ng 'League of Legends.'

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/14/hi-ako-nga-pala-yung-sinayang-sinaing-mo-wil-at-alodia-nagparinigan-nga-ba/">https://balita.net.ph/2022/01/14/hi-ako-nga-pala-yung-sinayang-sinaing-mo-wil-at-alodia-nagparinigan-nga-ba/

Saad sa caption, "Hi, Ako nga pala yung sinayang mo."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Marami naman sa mga netizen ang nag-tag sa ex niyang si Wil Dasovich. Sabi pa ng sister ni Alodia na si Ashley, i-tag na raw ba niya ang pinariringgan niya?

Makalipas ang isang araw, tila may sagot na rito si Wil.

"Hi, ako pala yung sinaing mo," nakasaad sa caption kalakip ang litrato niya na naka-topless, nakasuot lamang ng apron, habang hawak-hawak ang isang rice cooker na may sinaing o cooked rice sa loob.

Naki-ride on naman dito ang architect-vlogger na si Oliver Austria na siyang gumawa ng plano ng disenyo sa dream house ng dating mag-jowa. Ipinakita niya sa litrato ang blueprint at ang caption niya ay "Hi, ako nga pala yung sinayang n'yo."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/16/wil-alodia-nag-react-sa-ako-nga-pala-sinayang-nyo-post-ng-arkitekto-ng-dream-house-nila/

Sinakyan na rin ito ng iba't ibang mga netizen na gumawa ng mga memes kaugnay rito.

May isang meme pa na lumabas kung saan pinagsama ang mga sinabi nila para gawing pelikula raw. Ang movie title raw ay 'Ang sinayang na sinaing.'

May be an image of 1 person and text that says 'Ang SINAXANG na SINAING Alodia Memes NOW STREAMING ON'
Larawan mula sa FB/Alodia Memes

Natatawa na lamang si Alodia sa mga memes na ito at maraming nagsasabing netizen na baka sa 'kakaganiyan' nila ay mauwi sila sa balikan.

Baka naman daw hindi na masasayang ang sinaing kung muli nilang susubukan together, at mukhang namimiss na rin umano nila ang isa't isa.

Wala pa namang pahayag sina Wil at Alodia sa panawagan ng mga netizen na magkabalikan na sana sila, o ito ay isang tanda lamang na okay na sila dahil nakakapag-memes na nga.

May be an image of 2 people and text
Larawan mula sa FB/Alodia Memes/Gelo Manriza

'Yun na!