Patay ang isang umano'y police asset matapos malapitang barilin ng hindi pa kilalang suspek sa Pasay City, nitong Enero 16.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si John Paul Camacho y Pangandoyon, 20, residente sa No.1573 Vitales Street, Barangay 164, Malibay, Pasay City, sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Sa inisyal na ulat nina MSG Alfredo Aquino at PCpl Alfred Pangilinan, may hawak ng kaso, naganap ang pamamaril sa biktima sa P. Rivera St,. Brgy. 116 Zone 14, Pasay City ,dakong 9:02 ng gabi nitong Linggo.

Katatapos lamang kumain ng hapunan ang biktima ay nagpasyang lumabas sa inuupahang apartment para bumili ng sigarilyo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Habang naninigarilyo sa kalsada, biglang sumulpot ang armadong suspek na nakasuot ng helmet at malapitang binaril sa ulo si Camacho na nagresulta ng kanyang agarang pagkabulagta.

Ang hindi kilalang gunman kasama ang look out na kasabwat ay tumakas bitbit ang baril na ginamit sa krimen, patungong Dimasalang St., corner Vergel St., bago dumaan sa Tramo St., papuntang EDSA Rotonda ng lungsod.

Nakarekober ang awtoridad ng tatlong basyo ng bala ng caliber 45 pistol sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy pang inaalam ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Bella Gamotea