Matapos ang pinag-usapang 'parinigan' umano ng dating magkarelasyong sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich sa social media, tila nakisabay at nagparinig naman sa kanila ang architect-vlogger na si Oliver Austria, na siyang gumawa ng plano ng magiging disenyo ng kanilang ipatatayo sanang bahay.

"Hi, Ako nga pala sinayang n'yo," caption ng arkitekto kalakip ang litrato niya na nakasuot ng construction hat, at ipinakikita ang papel kung saan nakaguhit ang disenyo ng dream house sana ng dating magkarelasyon, ngunit ngayon ay 'sayang' na umano dahil sa kanilang hiwalayan.

Larawan mula sa FB/Oliver Austria

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nag-react naman dito si Wil.

"Ok lang 'yan pre gawa tayo bago ulit," wika ni Wil na umani naman ng 19K laugh reactions. Si Alodia naman ay nag-react din ng pleading face at praying hands emojis.

Sumagot naman dito ang arkitekto, "Wil Dasovich lesdudis mah dude, tig-isa kayo ng bahay?? Haha, stonks!!"

Nitong Biyernes ay muling pinag-usapan sina Wil at Alodia dahil umano sa kanilang 'mga parinig' posts sa isa't isa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/14/hi-ako-nga-pala-yung-sinayang-sinaing-mo-wil-at-alodia-nagparinigan-nga-ba/

Nauna kasi rito ang cosplayer na si Alodia na nagsuot ng sleek golden gown, na mula sa isa sa mga character ng League of Legends’ na si Leona, para sa Arcane red-carpet event sa California, USA. Ibinahagi niya ito sa social media noong Huwebes, Enero 13.

"Hi. Ako nga pala yung sinayang mo," saad ni Alodia sa caption.

Nagbiro naman ang kapatid na babae ni Alodia na si Ashley sa comment section.

“Tag ko na ba?”

Ngunit nitong Enero 14 ay nag-post naman si Wil ng tila 'ganti' sa ginawang 'pagpaparinig' ni Alodia.

"Hi, ako nga pala yung sinaing mo," saad sa caption ng Facebook post ni Will habang topless at nakasuot lamang ng apron, at may hawak na rice cooker na naglalaman ng sinaing na kanin.

‘Hi, ako nga pala yung sinayang/sinaing mo’: Wil at Alodia, nagparinigan nga ba?
Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich (Larawan mula sa FB)

Nagsimula ang relasyon nina Wil at Alodia noong 2018 at nagwakas ito noong Nobyembre 2021 na ikinagulat ng lahat. Hindi na nila dinetalye pa kung ano ang puno't dulo ng kanilang hiwalayan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/21/alodia-itinangging-prank-lamang-ang-break-up-nila-ni-wil-it-is-what-it-is/