Napa-sana all na naman ang mga netizen sa mag-asawang Oyo Boy at Kristine Hermosa-Sotto dahil sa palitan nila ng nakaaantig na wedding anniversary sa isa't isa sa pamamagitan ng kani-kanilang mga Instagram accounts.

Maraming mga netizen ang humahanga sa dalawa dahil going stonger pa rin ang relasyon, at take note, lima na ang mga anak nila ngunit napapansin ng mga netizen na ang ganda-ganda pa rin ni Kristine, na para bang lumaklak daw ng tubig sa 'fountain of youth'. Napanatili kasi nito ang pigura at ang byuti nito sa mahusay na pag-aalaga umano ng mister na si Oyo Boy, na para bang hindi nanganak.

Bukod sa 11th wedding anniversary, isinabay na rin ni Kristine ang pagbati sa mister sa 38th birthday nito. Aniya, habang tumatagal ay mas gumuguwapo sa kaniyang paningin ang asawa na isa sa mga anak ni Bosing Vic Sotto.

"Today may be a little extraordinary birthday for you but thank you for enduring with me.. mas lalo kang gumagwapo pag kasama kitang nagtitiis at nahihirapan.. joke!" panimula ni Kristine.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Masasabi umano ni Kristine na masarap kasama sa buhay si Oyo Boy.

"But on a cheesy note, you are the best thing… ang sarap mong kasama sa buhay, Hun. I love you so much!!! Happy birthday!!"

Para kay Kristine, 'gwapo sa lahat' ang kaniyang mister na ama ng kaniyang limang anak.

"P.S. sorry wala akong makuhang solo photo mo, either may kasamang bata, aso or stolen shot kaya malabo (random times where I find you so attractive) nevertheless, gwapo ka sa lahat… Happy 11th my By!! Sino ba namang mag-aakala… iba talaga ang plano ni Lord! The best!"

Nagkomento at kinilig naman dito ang kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa.

"Ang sweet!!! Ako lang ba? O nakakaiyak talaga yung message? HAPPY B TO YOU Oyo and HAPPY A TO YOU BOTH!!! I love you!" ani Kathleen.

Oyo Boy Sotto (Screengrab mula sa IG)

Samantala, simple ngunit makahulugan naman ang naging wedding anniversary post ni Oyo Boy sa kaniyang misis, kalakip ang napakagandang litrato ng misis.

"11th (heart) I (heart) U @khsotto Thank you Father God for keeping us together…" aniya.

Kristine Hermosa (Screengrab mula sa IG/Oyo Boy Sotto)

Ikinasal sina Kristine at Oyo Boy noong Enero 12, 2011. Nagkakilala umano sila sa Metro Manila Film Festival action-fantasy movie na 'Enteng Kabisote' ni Bosing Vic Sotto kung saan gumanap si Kristine bilang si 'Faye' na misis ni Enteng, ang engkantadang nanay naman nina Aiza na ginampanan ni Ice Seguerra, at Benok, na ginampanan naman ni Oyo Boy.

Sinong mag-aakalang ang dating mag-ina sa pelikula, ay magiging mag-asawa sa tunay na buhay, at magiging tunay na ina ng kaniyang mga magiging anak?