Ipinagtanggol ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang Kapuso star at socialite na si Heart Evangelista sa mga basher na wala umanong ginawa kundi punahin ang lifestyle nito.

Napapansin umano ni Lolit na wala nang ginawa ang ibang mga netizen kundi sitahin kung magkano ang presyo ng mga damit, sapatos, bag, at iba pang gamit ng misis ng dating senador at ngayon ay Sorsogon governor Chiz Escudero.

"Ewan ko naman kung bakit parang ayaw tigilan si Heart Evangelista ng mga puna tungkol sa lifestyle niya. Lahat ng suot niya sa I Left My Heart in Sorsogon parang may price tag na pinapansin ng mga followers," banat ni Lolit sa kaniyang Instagram post noong Enero 14.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Heart Evangelista (Screengrab mula sa IG/Lolit Solis)

Lahat daw ng mga pinagsususuot at pinaggagagamit ni Heart ay mula sa katas ng kaniyang pinaghirapan, so nagtataka si Lolit kung bakit maraming kuda ang mga netizen tungkol dito.

"Lahat naman gamit ni Heart, personal niyang wardrobe, sarili niyang bag at shoes. So ano ang problema kung gusto niya isuot? Kanya iyon, binili niya, pera niya. Hindi naman niya siguro ipinagyayabang. Hindi ko ganoon ka close si Heart Evangelista , pero nakasama ko siya sa trabaho."

Bagama't hindi sila ganoon ka-close ni Heart, masasabi raw niyang mabait, down to earth, at hindi maepal o papansin si Heart, lalo na kapag nasa set ng taping.

"In fairness mabait siya sa tao, hindi siya moody, magalang siya sa lahat ng kasama. Saka hindi siya ma epal sa set, tahimik lang. Kaya I find it unfair na para bang ang dami niyang palpak para laging pinupuna."

Sana raw ay huwag pakialaman ng mga utaw si Heart; after all, si Heart Evangelista dahil ay si Heart Evangelista. Kumbaga, kasama na sa 'branding' at imahe ni Heart ang pagiging sosyalera.

"She can wear what she wants, do and say ang gusto niya. Basta wala siyang sinasaktan na tao, wala siya dapat ipaliwanag. Heart Evangelista is Heart Evangelista afterall, kaya so be it."

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang panunupalpal ni Heart sa isang netizen na nagtanong naman sa kaniya kung bakit wala pa silang junakis ng mister niyang si Chiz.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/15/urirat-ng-netizen-kay-heart-bakit-wala-pang-anak-kay-chiz-chill-not-your-uterus/

"Ayoko eh."

"Didn't anyone teach you manners?"

“I mean, you know what… I mean, if I am not sad about it then why are you even?" aniya.