Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen ang latest Instagram story ni Kylie Padilla kung saan tila may pinariringgan umano siya.

Makikita sa litratong ibinahagi niya ang isang magandang tanawin at naglagay siya ng text caption na nilagyan niya ng inisyal na 'KNP.'

"Your lack of empathy reflects on you not me, I just have to remember, My worth is not based on your closed mentality. I let it go, I set myself free. I don't believe in regrets, But I regret having you as a memory."

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

No description available.
Screengrab mula sa IG/Kylie Padilla

Sa isa pang IG story, ibinahagi naman niya ang litrato ng sikat na Hollywood actress na si Angelina Jolie at ang remarkable quote umano nito.

"Angelina Jolie once said: Be careful with how much you tolerate. You are teaching them how to treat you."

Angelina Jolie (Screengrab mula sa IG/Kylie Padilla)

Kapag tiningnan ang mga Instagram posts ni Kylie matapos ang naging kontrobersyal na hiwalayan nila ni Aljur Abrenica, karamihan sa mga posts niya ay tungkol sa kanilang mga anak, o kaya ay selfie niya.

Tanong ng mga netizen, sino kaya ang pinatatamaan ni Kylie?