Mukhang proud na proud si Unkabogable Star Vice Ganda sa pinakabagong Calendar Girl 2022 ng isang whisky brand---ang sikat na TikToker at 'Mima ng lahat' na si Sassa Gurl, dahil sa 'game-changing' na pagbasag umano sa stereotyping, na mga tunay na babae lamang ang puwedeng maging modelo sa kalendaryo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/15/bea-at-chie-kabahan-na-raw-sino-nga-ba-ang-tiktoker-na-si-sassa-gurl/

Ayon sa latest tweet ni Meme Vice nitong Enero 14 ng gabi, "Winner! Panalo! Wagi! Title!!! Tah kayo!!!"

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Vice Ganda at Sassa Gurl (Larawan mula sa Twitter/Vice Ganda)

Kalakip ng kaniyang tweet ang tweet naman mismo ni Sassa Gurl.

"May alak ka na, may pulutan ka pa!!!," ayon sa caption.

"Napakingan na tayo mga bakla! Para 'to sa mga baklang umaawra sa inuman at naze-zero, heto na tayo na ang naka-booking sa calendar gurl."

"INUMAN NA!!!!"

Samantala, sa kaniyang Facebook post, pabirong tinawag ni Sassa Gurl ang atensyon nina Bea Alonzo at Chie Filomeno. Si Bea kasi ang Calendar Girl ng Tanduay habang si Chie naman sa Ginebra San Miguel.

"I-set na ang inom!!!! Ako na agad ang pulutan. Ano na Bea at Chie tara!!! SHOT PUNO!!! BASAGAN!!! chares," aniya sa kaniyang caption.

"Nagbunga na ang pagpapainom natin mga bakla! Para 'to sa mga baklang umaawra sa inuman at naze-zero, heto na tayo na ang naka-booking sa calendar gurl. INUMAN NA!!!!"