Chill at game na sinupalpal ni 'I Left My Heart in Sorsogon' lead star Heart Evangelista ang isang netizen na nagtanong sa kaniya kung bakit wala pa silang anak ng mister na si dating senador at ngayon ay Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Sa kaniyang TikTok account nitong Enero 13, 2022, ibinahagi ni Heart sa video ang kuhang screengrab ng tanong ng isang netizen sa kaniya na 'bat di kayo magka-anak?'

Screengrab mula sa TikTok/Heart Evangelista

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Screengrab mula sa TikTok/Heart Evangelista

Tugon ni Heart sa pamamagitan ng caption, 'Kulit ha.'

Bagama't tila nakukulitan na sa paulit-ulit na tanong sa kaniya, kalmado pa rin itong sinagot ni Heart.

"Ayoko eh."

"Didn't anyone teach you manners?"

“I mean, you know what… I mean, if I am not sad about it then why are you even?" aniya.

Nakasulat din ang mga captions na "Chill. Not your uterus."

Screengrab mula sa TikTok/Heart Evangelista

Isa pang caption, "Being a mom shouldn't be the only source of happiness. My goodness. What are you going to do when your kids have their own life?"

Screengrab mula sa TikTok/Heart Evangelista

Matatandaang hindi ito ang unang beses na sumagot si Heart hinggil sa isyung itong. Matatandaang sa honeymoon vlog ng socialite-actress sa kaniyang YouTube, may isang netizen na nagkomentong kahit ilang honeymoon pa ang gawin nila ni Chiz, hindi pa rin sila magkaka-anak dahil baog daw siya.

"Ulol—the only word you can understand," tahasang panunupalpal ni Heart.

Noong 2018, matatandaang nagdalantao na si Heart sa kambal na panganay sana nila ni Chiz, ngunit sa kasamaang palad ay nakunan siya.

Sa Pebrero 2022 ay ipagdiriwang na nila ang 7th wedding anniversary.