Positibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Pasig City Mayor Vico Sotto, pagbabahagi niya nitong Sabado, Enero 15, 2022.

Sa isang Facebook post, kinumpirma ni Mayor Vico na siya ay nagpositibo sa COVID-19. Aniya, nakararanas siya ng sore throat, pananakit ng katawan, at lagnat.

"Hi everyone, bad news, I've tested positive for covid-19. I have sore throat, fever, and body aches, but please don't worry!"

Tiniyak naman ng alkalde na siya ay patuloy na magtatrabaho habang nasa isolation sa susunod na pitong araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

screengrab mula sa Facebook post ni Mayor Vico Sotto

Sinabi rin ni Mayor Vico na mas matindi umano ang pagkalat ng Omicron variant.

"Naka ilan close call ako sa Delta (gaya nung sa driver ko mismo) pero di ako nahawaan. Matindi talaga ang pagkalat ng Omicron-- sabi nga ng ibang eksperto, LAHAT TAYO ay mae-expose sa variant na ito," anang alkalde.

Samantala, pinaalalahanan niya ang publiko na patuloy na mag-ingat at huwag na munang lumabas kung nakararanas ng mga sintomas ng COVID-19.

"Kaya lagi po tayong mag-iingat, palakasin natin ang ating mga resistensya, at maging responsable – kung may sintomas wag na munang lumabas."