Wala umanong pakialam ang mga bida ng Boy Love o BL movie na 'Sisid' na sina Paolo Gumabao at Vince Rillon kung magkakiskisan na sila ng mga 'nota' nila habang ginagawa ang maiinit na eksena, ayon mismo sa award-winning director nito na si Brillante Mendoza.

Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Mendoza, 'masarap' na katrabaho sina Paolo at Vince dahil sobrang game sila. Kaya umano nilang maghubad at walang plaster-plaster pagdating sa mga bed scenes, kahit na nagkakadikitan o nagkakaskasan na.

“Marami silang bed scenes, pero siyempre, hindi ko naman ginamit lahat. Kung hindi naman kailangan, hindi ko isasama just for the sake of ano, parang… Meron silang tatlong major-major love scene na wala talaga silang saplot, wala silang plaster. Kasi, pareho naman silang hindi nagpa-plaster," ani Mendoza.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Vince Rillon at Paolo Gumabao (Screengrab mula sa IG/Vince Rillon)

'Pagkatapos nga raw makuhanan ang mga bed scenes nila ay kaswal lamang na nag-uusap ang dalawa. Naramdaman umano nila ang 'espada' ng isa't isa. Nagkakakilitian din daw dahil may mga bigote sila.

Minsan naman, kapag napupunta na raw sa mukha ni Vince ang notabels ni Paolo ay inaabisuhan naman kaagad ito ni Vince, natatawang kuwento pa ng direktor.

Kasama pa sa cast ng Sisid sina Kylie Verzosa, Christine Bermas, Irma Adlawan, Ina Alegre, at Marco Novenario. Ang subscription fee para sa premiere ng Sisid ay ₱499, na hiwalay pa sa mismong subscription rate sa Vivamax app.

Vince Rillon at Paolo Gumabao (Screengrab mula sa IG/Paolo Gumabao)

Si Paolo ay naparangalan bilang best actor sa kaniyang movie na 'Lockdown' noong Nobyembre 2021.