Isa sa mga naging usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang programang 'Cristy Ferminute' ang update ni Queen of All Media Kris Aquino sa kaniyang health condition noong Enero 12, 2022.

Ayon kay Cristy, maging siya ay awang-awa nang makita niya ang mga ibinahaging litrato at video ni Kris sa Instagram kung saan makikitang sinasaksakan ito ng karayom sa ugat, gayundin, ang humpak-humpak na raw ng pisngi ng TV-host at ang payat-payat na umano ng mga bisig.

Cristy Fermin at Romel Chika (Screengrab mula sa YT)

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Personal na naaalarma umano si Cristy sa kalagayan ni Kris na minsan na rin niyang nakasama bilang TV host sa defunct-talk show ng ABS-CBN na 'The Buzz' noong pareho pa silang nasa Kapamilya Network.

Maging ang mga kritiko ni Kris na laging nakabantay umano sa mga kapuna-puna niyang akto ay hindi napigilang maglabas ng pagkaawa sa kaniya. Hindi man daw sila magkakatulad sa political views at hindi naman daw nila hangad na maranasan ni Kristeta ang nararanasang hirap nito ngayon.

Ayon pa kay Cristy, kung tutuusin daw ay nahihiga sa pera si Kris subalit heto't hirap pa ring matukoy ang lunas sa kaniyang sakit na nakapagpapabagsak sa kaniyang katawan.

Pinuri din ni Cristy ang patuloy na pagtulong ni Kris sa mga nangangailangan kahit may mabigat na pinagdaraanan sa kaniyang kalusugan. Tiyak din daw na kahit paano ay nakadaragdag sa stress ngayon ni Krissy ang hiwalayan nila ng dating fiance na si Mel Sarmiento.

Naibahagi rin ni Cristy na may mga netizen daw na nagsasabi sa kaniya na kausapin si Kris at payuhan itong magpatawas na o kumonsulta sa albularyo.

"Ang dami-dami na nga pong tumatawag sa akin, bakit daw hindi ko kausapin si Kris para magpagamot sa albularyo," sey ni Cristy.

"Diyos ko, kung si Kris po ay tumatanggap ng mga ganoong salita, siguro po ay noon pa, nagpatingin na siya sa albularyo."

Pero kung tutuusin daw, may mga milyonaryo na nataningan na ng mga doktor subalit nang magtungo at magpagamot sa albularyo ay gumaling naman. Ang dahilan daw dito ay faith o pananampalatayang gagaling.

"Sana, doon humawak si Kris Aquino sa pananampalataya, hingin niya ang buhay niya sa Diyos," wika pa ng showbiz columnist.

Isa pa umano sa mga problema ngayon ni Kris ay kung paano siya makalilipad sa Singapore para magpagamot, dahil mahigpit umano ngayon ang Singapore sa pagpapapasok ng mga dayuhan sa kanilang bansa dahil nga sa pandemya.

Natalakay din dito ang sey ng mga netizen kung bakit umalis daw si Mel Sarmiento sa buhay ni Kris sa panahong kailangang-kailangan siya.

Kris Aquino deletes social media posts with Mel Sarmiento – Manila Bulletin
Cristy Fermin at Romel Chika (Screengrab mula sa YT)

Sa palagay rin ni Cristy ay hindi raw talaga nagpaparamdam kay Kris si Mel dahil sa kadaldalan daw ng Queen of All Media, dapat daw ay naibahagi na nito sa publiko ang mensahe ng dating nobyo.